Chapter Sixteen

433 21 0
                                    

Chapter 16


"Gi! sabihin mo sa mga bashers mo at sa mga nagkakagusto kay Cody, 'Pakyu! Walang nagtuturo ng math sa inyo kasi ambabantot niyo!'" sigaw ni Ate Sam.


Lumingon ako kay Ate Sam nang sabihin niya iyon. We're here at one of the bar cafés in Alaminos. Nagkayayaan at iyon sinama na rin ako ni Kuya. I don't understand what they're talking about, but I have a hunch about it.


"Hoy, Sam, ano ba? Ayos lang..." si Ate Gaea.


Ngumisi si Ate Sam at inakbayan si Ate Gaea, "Don't worry. Ako na lang ang magsasa—"


"Hoy, hindi! Ano ba! Sabing ayos lang eh."


"Sam..." saway na ni Kuya.


"What?"


Ngayon, si Yuno naman ang nagsalita. "You think kaya ni Gaea sabihin 'yan?"


"Kayanga ako na ang magsasabi!"


"Hayaan niyo lang sila. Ayaw mo yun sikat na si Gaea!" humalakhak si Kuya King.


"Mamatay kayo sa inggit! May taga-turo ako sa math kayo wala! Bobo!" muling sigaw ni Ate Sam saka tinaas ang kanyang middle finger, hindi ko alam kung saan siya nakatingin.


"Zai, you're drunk. Let's go home."


Tahimik lang sa gilid si Kuya pero halatang naiirita na siya sa sigaw ni Ate Sam, halatang lasing na kaya naman inakay na siya ni Kuya Zion palabas. Nagpaalam na rin siya at iuuwi na niya si Ate.


Napatingin ako kay Kuya na tumayo na rin. Ang kambal naman ay nag-uusap na rin kasama si Kuya Thirdy. Samantalang si Yuno ay... nasa tabi ko. Nilingon ko siya at nakitang nakatingin lang siya sa akin. Uminit ang pisngi ko.


"Bakit?"


"Gusto mo na ba umuwi?" tanong niya. Actually, hindi naman ako uminom. Tanging juice lang kasi ayokong maglasing o kahit uminom kahit konti lang. Sumama lang ako sa kanila kasi gusto kong lumabas at mamahinga kahit konti.


"Ayoko pa..." mahina kong sabi. Muli kong sinulyapan si Kuya baka kasi nakatingin na naman siya sa amin, pero hindi naman.


"Gusto mo pa dito?"


I licked my lower lip and looked away, "I want us to be alone..." I pursed my lips. My face heated too. I heard him chuckled but after a while he stood up. Sinundan ko siya ng tingin.


"Tara sa labas."


Nasa loob kami ng bar pero p'wede ka naman sa may balcony o sa mismong garden na kung saan tanaw mo ang dagat. Doon kami papunta ngayon. Walang masyadong tao, tahimik lang at payapa. Tanging ingay ng payapang alon ng tubig, at ingay sa loob ng bar ang maririnig mo pero hindi naman gaano kaingay.

Fate and Plans (Engineering Student #6)Where stories live. Discover now