Chapter Eight

443 29 1
                                    

Chapter 8


"And don't be jealous of yourself too..." he muttered which made me stop. "Wala ka namang dapat ikaselos sa sarili mo."


Ito na naman siya. Tanging sambit ng utak ko. Ayan na naman siya sa mga ganyang linyahan niya. Hindi ko alam kung masyado lang akong sensitive pero sobra sobra akong naaapektuhan tuwing sinasabi niya iyan. Tumatalon ang puso ko pero agad ding nawawala tuwing naaalala na hanggang kaibigan o nakababatang kapatid lang ang tingin niya sa akin.


I sighed deeply and rolled my eyes.


"Stop it," malamig kong sabi. I heard him chuckled and mumbled something, hindi ko nga lang maintindihan kasi parang pabulong siya.


He chuckled again and this time I had goosebumps, "Why?"


"Stop teasing me, okay?" I hissed.


"I'm not." For a split of second, I really passed out in thoughts. He's not? Does he mean he's serious? Huh?


"Ugh! Yuno! Stop it! Hindi nakakatuwa. Hindi mo naman ako gusto! Gusto mo ba ako?" iritado kong tanong. Hindi siya nagsalita. See?


"Hindi, 'di ba? So, stop teasing me like that. Hindi nakakatawa, okay?" I literally closed my eyes fervently after he said that. Literal na uminit ang ulo ko kaya ako na mismo ang nagbaba ng tawag. Agad kong tinakpan ang mukha ng unan at pilit na kinakalma ang sarili.


Why am I mad? My heart is beating too fast but in anger... and disappointment. Hindi ka na nasanay, Aya. He's always teasing you like that even before. Anong pinagkaibahan ngayon?


"It is getting my hopes high..." I mumbled and answered myself. A tear successfully escaped from my eyes. Nakakainis, ang OA OA ko! May dalaw kasi ako ngayon kaya napaka-emotional ko!


Isa-isa kong pinapahid ang mga luha ko dahil sa napakababaw na dahilan. Ano na nga ulit ang dahilan kung bakit ako umiiyak? Ah, my hopes for him, for us, are getting high again. So stupid. Ilang beses na ba akong umasang palihim? Ilang beses na ba akong nabigong palihim din?


Sa tuwing bumabagsak ang pag-asa ko sa kanya, saan ako dinadala? Sa ibang tao. Umaasa na mahanap ang totoong pagmamahal sa iba. Umaasang magugustuhan ng iba. Nahanap ko naman ba? Oo, kaso agad ding nasisira. Agad ding nawawala.


Maybe it's better to be this way too. Hindi rin naman ako p'wedeng makipag-boyfriend pa eh. Ayaw nila Mommy. Hindi na nga ako matalino, lalandi pa ako.


"Aya, sasama ka ba mamaya?" Thalia asked. Nasa tabi niya si Lawrence habang kumakain kaming lima sa canteen.


"Huh? Hindi ba may klase tayo sa Filipino?"


I saw her rolled her eyes, "Cutting."


"No."


Fate and Plans (Engineering Student #6)Where stories live. Discover now