Chapter Forty Three

562 26 4
                                    

Chapter 43


"What the hell, bro? Ano bang pinagsasabi mo kay Keziah?!" asik ko kay Cody. Agad ko siyang tinawagan kinagabihan ng araw din na iyon. Si Aya nasa kuwarto at nagpapahinga na. Bukas ang alis ko patungong Singapore. Ang sabi niya dito na lang siya matutulog ngayong gabi para makasama pa niya ako ng mas matagal dahil isang buwan daw akong wala.


"What?" maang niyang sabi.


"Sinabi mo raw na may kikitain ako sa Singapore kaya pumunta rito si Aya! Umiiyak!" I gritted my teeth, controlling myself. "Paano kung napano siya sa pagpunta niya rito?!"


"Relax..." he muttered. "Alam ni Keziah ang ginagawa niya—"


"Don't try to do that stunt again, Cody!"


"Just be thankful to me, man. I bet... maayos na kayo ngayon." Kahit na hindi ko kita ang mukha niya, alam kong nakangisi na ito. "Where is she?"


Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.


"Sa kuwarto. Nagpapahinga."


"Angas mo rin, ano?" dumilim ang boses niya.


"Gabi na! Ayoko siyang pag-drive-hin na madilim. Isa pa, bukas na ang alis ko. Isang buwan ako doon," katwiran ko.


Sa nangyari kanina ayoko na tuloy pumunta pa ng Singapore. Gusto ko na lang manatili rito at gustong bawiin ang mga araw na nasayang namin ni Aya.


"Cody..." I called after seconds of being silent. He's right...


"Thank you," I muttered. After all... he's supporting me and helping me.


"Just... keep her safe and happy. Ayos na ako doon."


"I will, bro, you know that ever since."


Hindi ako kaagad na nakatulog, pinagmamasdan lang si Aya na natutulog. After almost every night of sadness and longingness finally it comes to an end. Keziah is now right beside me. Halos hindi pa rin ako makapaniwala. Ang bilis ng pangyayari. Pero kahit ganoon, kontento na ako... alam ko ito na ulit ang simula.


Sa wakas... magkakaroon na ako ng payapang tulog.


Gabi ang magiging flight ko. Pupuntahan ko sila Mommy sa bahay at sabay-sabay kaming tutungo ng Singapore. Naunang magising si Aya, akala ko umalis na siya kasi paggising ko wala na siya sa tabi ko. Pero nang halughugin ko ang bahay nakita ko siya sa kitchen, nagluluto.


Parang may humahawak sa puso ko habang nakatitig sa kanyang likuran. Siguro naramdaman niyang may nakatitig sa kanya kaya siya lumingon na at nakita ako. She flashed a genuine smile to me. My lips parted... I'm not dreaming, right? This is the reality, right? Sa imagination ko lang 'to dati eh.


"Nagluto ako. Uh... sorry pinakelaman ko na naman ang kitchen mo," nahihiya niyang sabi. Umiling ako saka siya hinagkan. Totoo nga... hindi nga ako nananaginip.

Fate and Plans (Engineering Student #6)Where stories live. Discover now