Chapter Nine

468 25 3
                                    

Chapter 9


"Is he courting you?" Kuya asked all of the sudden. Kauuwi lang namin at kaninang nasa sasakyan kami ay tahimik lang siya. Ngayon, sinadya niyang puntahan ako rito sa kuwarto ko at nagtanong. My face blushed and shook my head.


"Nope." Hindi naman talaga eh.


"Talaga lang ha?" he probed.


"Oo nga. Bakit ba, kuya?"


"Kasi hindi iyon ang nakikita ko."


"Ha?" pinameywangan ko siya. "Ano bang sinasabi mo diyan? Bakit hindi siya ang tanungin mo? Panigurado hindi rin ang sasagutin niya sa'yo." Ngumuso ko.


"Eh, ano kayo?"


"Hindi ko alam na tsismoso ka pala, kuya." I smirked.


"You are my sister, Keziah. S'yempre curious din ako sa iyo," he said. "And he is my friend. I thought... uhh... i mean... akala ko kasi... wait, ano ba kasi kayo?" naguguluhan na sabi ni Kuya.


"Wala nga!"


"That jerk..." he mumbled.


"What?" I hissed. "Alam mong bawal pa ako magka-boyfriend." Ngayon, natahimik siya.


"At saka isa pa, w-wala naman talaga eh. He just said that... he... he likes me," pahina nang pahina ang boses ko. Narinig ko ang kokonting pagmura ni Kuya. Ngayon ko na lang ulit siya narinig na nagmumura. Hindi siya palamura.


"Hindi ko rin alam kung jino-joke niya ako o—"


"Seryoso siya." Ngayon, ako naman ang nagulat. Hindi ko alam na sasabihin iyan ni Kuya. But after, he is his best friend kaya alam na alam niya.


"If you're worried that he's just fooling you around then I am telling you he's serious." I looked down. Alam ko naman iyon eh, hindi lang talaga ako makapaniwala kasi... talaga ba? Siya... magkakagusto sa akin?


"Do you like him too?" Kuya asked. My face blushed even more. I opted not to say anything. I heard him sigh.


"Alam ko naman na eh. Matagal na."


"What?!"


"You're obvious," he chuckled.


"A-anong sinasabi mo diyan?! Wala akong alam sa sinasabi mo!"


"Really? Sketching him? Mas excited ka pa nga siyang makita siya tuwing bumibisita siya rito eh." Talaga ba?! Ganoon na ba ako ka-obvious? All these times I thought Kuya doesn't know anything about it, tapos ngayon, halatado pala ako?!


"Sobra bang obvious?" mahina kong tanong. Edi ibig sabihin... marami na rin nakakaalam? Kasi 'di ba, napaka-obvious na?

Fate and Plans (Engineering Student #6)Where stories live. Discover now