Chapter Seven

475 28 2
                                    

Chapter 7


"You know what Zia... you should find one too! Ang dami nagkakagusto sa'yo eh pero hindi mo sila binibigyan ng chance."


"Kasi bawal pa nga," iritado kong binalingan si Thalia. She kept on insisting to me to find a new boyfriend. After Vico, who is my first boyfriend also, I did not entertain any suitors anymore.


"Itago mo..."


I groaned. Sana nga gano'n lang kadali iyon. Alam ko na ang feeling ng patagong relasyon. Naranasan ko na at mahirap. Nahirapan kami ni Vico hanggang sa nahuli kami at naghiwalay. Speaking, si Thalia kasi may boyfriend na at first boyfriend niya ito. Mabuti siya at payag ang magulang niya.


Before grade 9, they broke up and then she entertained another suitor again. Wala pa nga atang ilang linggo nang maghiwalay sila ay mayroon na ulit siyang bago.


"Hindi ba uso sa iyo ang three-month-rule?" Angela chuckled. After a month of courting Thalia, she said yes to her suitor, now her new boyfriend again.


"Bakit mo pa patatagalin kung naka-move on ka naman na kaagad? At kung gusto mo naman ang susunod sa kanya?" Thalia chuckled also. Sa aming magkakaibigan, si Thalia ang may pinakamalaking pagbabago sa pisikal na kaanyuan. She became more confident to herself, to her look, to her body, and everything. Maganda naman talaga si Thalia. Maputi, siya ang pinakamaputi sa amin. Matangkad. At mayaman.


Kaklase namin ang kanyang boyfriend na kaibigan ni Miko, kaya sa tuwing vacant time namin ay kasama rin namin si Miko. Kasama rin ni Miko ang kanyang girlfriend. Hindi naman ako awkward sa kanya, matagal naman na iyon at halata namang masaya na siya eh. Iyon nga lang hindi ako komportable na kasama sila. Simula nang maging boyfriend ni Thalia si Lawrence parang nadagdagan na rin ang circle of friends namin. Usually, kaming apat lang na babae ang magkakasama pero ngayon kasama na ang tropa ni Lawrence.


I glanced at Thalia whose head is leaning on Lawrence's shoulder. Nasa loob kami ng aming Filipino classroom at hinihintay ang teacher pero parang hindi niya kami mami-meet base na rin sa usap-usapan sa kabilang section. They're so sweet to the point I always rolled my eyes whenever Lawrence's hand flew to Thalia's hair to caressed it.


Nag-i-sketch ako at walang makausap. Sila Debbie at Angela ay pumunta sa canteen para bumili ng pagkain pero feeling ko nakipagkita rin sila sa kani-kanilang boyfriend. Simula nang magkaboyfriend sila, sa kanilang boyfriend na ang atensiyon. Hindi ko na nga sila nakakausap minsan eh.


"Zia, sama ka? Pupunta kami ng plaza." Walang pasok kinahapunan dahil may meeting ang mga teacher namin.


Agad akong umiling at inayos na ang backpack.


"Ano ba 'yan, Zia. KJ mo naman..." si Thalia. Muli ko siyang binalingan, nasa likod niya sina Lawrence.


"Hindi, kayo na. Uhh, baka hinihintay na rin ako ni Kuya," pagdadahilan ko pero ang totoo magi-stay lang ako sa library. Ayoko silang kasama. Okay lang kung kaming dalawa lang ni Thalia at sige kasama na rin si Lawrence pero hindi eh, kasama rin ni Lawrence ang mga tropa niya. Kumbaga kung sasama ako parang kaming dalawa lang ni Thalia ang babae dahil sina Debbie at Angela naman ay nakipagkita ulit sa kanilang boyfriend.

Fate and Plans (Engineering Student #6)Where stories live. Discover now