Chapter Thirty One

559 34 8
                                    

Chapter 31


His eyes were very, very sad, and longing. This is the first time ever I saw Yuno like this. This is not the peak of our painful fate pero sobra-sobra na ang kirot sa puso ko. Paano na lang noong mga panahon na nag-iisa siya... ako... at walang ibang iniisip kung hindi ang nangyari sa buhay namin? Mas masakit iyon. Mas nakakapanghinang isipin.


He was about to go near me, but I immediately run away from him... like I always do. This time, I will run away not because I am afraid but because I am too embarrassed. Hindi ko alam ang mukhang maihaharap ko sa kanya ngayon. Nagpunta ako rito para makita ang sitwasyon niya, hindi ko pala kayang harapin siya ngayon kasi hiyang-hiya ako sa kanya.


Sobra akong nasasaktan... nanghihinayang... nalulungkot para sa kanya. Nawala lahat ng galit ko sa kanya at napalitan naman ito ng sobrang pagsisisi na naman sa sarili.


Tumakbo ako pabalik sa sasakyan ko. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng sasakyan ko nang hawakan niya ang braso ko at niyakap. I gasped loudly and I couldn't even push him. My body weakens and cries more.


"Please..." pagtatahan niya sa akin, bulong niya sa akin. "H'wag kang mag-drive nang ganyan ang kalagayan mo..." piyok niyang sabi. Umawang ang mga labi ko at natigilan sa sinabi niya.


"Please... aalis ako. Papasok ako sa loob ng bahay. Hindi ako lalabas. Hindi ako magpapakita sa iyo. Basta... m-magpakalma ka muna. H'wag kang mag-drive na ganyan ang kalagayan mo. Parang-awa mo na... hindi ako lalabas hangga't hindi ka nakakaalis dito pero ipangako mo na ayos kang makakauwi."


"Hindi ako saksi nang mangyari iyon pero parang-awa mo na... ayoko ulit mangyari iyon."


"P-paano mo nalaman?"


"Just... calm down first, Aya." Humigpit ang hawak niya sa braso ko bago lumuwag ang hawak niya sa akin at unti-unting lumalayo sa akin.


Nangangatog ang binti ko na pumasok sa loob ng sasakyan habang siya ay pabalik sa loob ng bahay. Tinupad nga niya ang sinabi niya, hindi na siya lumabas pa. Hindi ko na siya nakita pa... kahit anino. Ako, nananatili sa loob ng sasakyan at kinakalma ang sarili.


Hindi na ako takot sa kanya... iyan ang napagtanto ko kanina. Gusto ko lang makaalis dito kasi gusto kong makapag-isip-isip muna.


Hindi ko alam kung ilang minuto ang tinagal ko bago ko paandarin ang sasakyan at umalis na sa bahay. Mabagal ang naging pagmamaneho ko. Nang nasa highway na ako... nakita ko ang isang sasakyan na nakasunod sa akin. Bago sa paningin ko ang sasakyan pero kanina pa niya ako sinusundan. Alam ko... si Yuno ito. Sinisigurado niyang makakauwi ako ng maayos.


I took a deep sigh when I enter the gate of our house. Wala na rin ang sasakyan na sumusunod sa akin.


Pagpasok ko, mabuti na lang mga kasambahay langa nga naririto. Agad-agad akong pumasok sa kuwarto at tumitig sa kawalan hanggang sa muli kong naalala na naman ang mga nangyari ngayong araw.


The truth... and Yuno.


I went inside my shower room. Binasa ko ang katawan ko kahit na may suot pa akong damit. I hugged myself more and sat on the floor tile while the shower is on...

Fate and Plans (Engineering Student #6)Where stories live. Discover now