Chapter Twenty Five

485 18 6
                                    

Chapter 25


I go home after that talk. Gabi na nang makauwi ako. Dala ko ang sasakyan ko kaya sinundan na lang ako ni Yuno hanggang makauwi ako. Hindi pa rin siya umalis kahit sa pagpasok ko sa bahay. Nahihilo ako, marahil sa pagod at stress na dulot ng araw na ito. I want to take a rest for a bit. I need to clear my mind first. Iiwasan ko na si Thalia. She's probably losing her mind right now kaya niya nasasabi ang mga bagay na iyon kanina.


But still... part of me was feeling some uneasiness. Kinakabahan ako... hindi ako mapakali. Naiiyak na ako sa frustration. Kung hindi lang hinawakan ni Yuno ang braso ko hindi pa ako mababalik sa sarili ko. Masyado akong nalulutang.


"Are you okay?" concern niyang tanong. Actually... hindi. I shook my head and close my eyes and let my tears fell. I heard him cursed. Why am I doubting him? Hindi dapat eh kasi mahal ko siya at nagtitiwala ako sa kanya. Mahal niya ako.


Kahit na gusto kong matulog, hindi ako pinapatulog ng isipan at puso ko. I kept on overthinking things. Ilang beses na akong nagpapabalik-balik sa kusina at sa kuwarto. Iinom ng tubig, magpapakalma, titingnan ang cellphone at nangangating magreply sa mga texts ni Yuno.


Why are you like this, Aya? Sinabi na nga ni Yuno na hindi totoo, hindi ba? Why are you doubting him? You're being unfair to him!


Kinabukasan, magang-maga ang mata ko. Hindi rin ako lumabas ng kuwarto kahit na ilang beses akong kinakatok para kumain ng umagahan. Gusto kong matulog dahil hilong-hilo na ako pero hindi naman ako magkaroon ng maayos na tulog. Nagpapasalamat na lang ako dahil ng mga bandang alas diez ay naipikit ko na ang mata ko at tuluyang nakatulog.


Hapon nang magising ako. My stomach is growling. Bigla akong nagcrave ng pagkain kaya bumaba ako at nagtingin ng p'wedeng makakain sa ref. Wala sila Mommy at Daddy pagbaba ko. Baka may pinuntahan sila. Ginabi rin ata sila ng uwi kaya hindi ko sila nakasabay sa hapag kanina.


When I woke up early the next morning, I saw Mommy and Daddy in the living room, talking. Para silang hindi mapakali at seryosong-seryoso lang sila. Sabay pa silang lumingon sa akin nang marinig ang mga yabag ko.


"Good morning po," I greeted.


Mommy smiled worriedly at me. My brows furrowed.


"Why?"


"Nag-usap na ba kayo ni Yuno?" tanong ni Mommy.


"Yes po. Magka-text kami. Why?"


"Oh! N-nothing." She smiled and caressed my face. Mas lalong kumunot ang noo ko pero pinabayaan ko nang makaramdam na naman ako ng gutom kaya dumeretso na ako kaagad sa kusina para makahanap ng pagkain.


Kinahapunan ay umuwi si kuya which is very unusual dahil hindi siya umuuwi sa mga ganitong araw. Usually kasi weekends siya nakakauwi, and every once-a-month pa.


"You're here! Why?" salubong ko. Kunot-noo niya akong nilapitan. Kagaya nila Mommy para rin siyang hindi mapakali. They're acting very strange.

Fate and Plans (Engineering Student #6)Where stories live. Discover now