Chapter Twenty Eight

491 29 3
                                    

Chapter 28


"Congratulations, anak! Oh, my gosh! Can you believe it? Top 4 ka!" the result of the board exam already came out. I am in the top 4. Kasama ako sa top 10 ng mga nakapasa!


Noong una, hindi ako naniniwala. Wala sa isipan ko na makakatop ako. Gusto ko lang pumasa at maging ganap na architect pero hinigitan pa nito ang panalangin ko. Top 4 ako?!


Hindi ako makaiyak sa tuwa. Nananatili akong tulala at naiiling. Kung hindi lang ako niyakap ni Mommy hindi pa ako mababalik sa katinuan.


"I will call your brother but surely alam na niya iyon!"


I looked at my laptop's monitor again. Shit, is it true?


4 KEZIAH ANGELES


Totoo nga! Dito totoong tumulo na ang mga luha ko. I remember my first ever failed grade, I remember the time I was struggling in studying, in doing plates, I remember I am not in the DL's. but now... look at it! Top 4 ako sa ALE!


Iyak ako nang iyak kahit na ilang oras na ang nakakalipas. Tumawag na si Kuya at umiyak na naman ako. Ang sabi niya ay uuwi sila sa weekend para makapag-celebrate kaming pamilya. Hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi talaga ako makapaniwala!


Walang patid ang luha ko habang niyayakap si Kuya. Napaka-OA ko pero sobrang saya ko talaga eh. Hindi ko mapigilan. Sa lahat ng mga ginagawa ko feeling ko lahat ng iyon walang kwenta, o'di kaya naman ay hindi big deal. Pero ito... masasabi kong sobrang proud ako sa sarili ko!


"I'm so proud of you," Kuya whispered. I smiled when I saw Ate Gaea smiling at us. Nasa mesa siya at naghahain na ng kakainin namin.


Sa mga sumunod na araw ay naging abala ako sa pagpi-prepare ng mga meetings at grand celebration na magaganap kung saan ako grumaduate. Taun-taon, sa tuwing may mga nakakapasa ng boards ay nagdadaos ng thanksgiving ang university namin. Noong time ni Kuya, lalo na at topnotcher siya, siya ang spotlight. Nagkaroon siya ng speech. Hindi ko na inisip 'yan noong nag-aaral ako. Hindi naman ako magaling at nageexcel sa klase kaya nalabuan na rin akong mangyari 'yan sa buhay ko kako.


Pero ngayon... nanginginig ang kamay ko habang nagsasalita sa harapan ng maraming tao... mga estudyante... at mga naging profs ko. Masaya at nakangiti silang nakikinig sa speech ko.


Si Mommy at Daddy ay nakangiting nakatingin sa akin. Bigla akong naiyak nang makita sila... I lost my drive to continue everything when I lost everything about myself... but I suddenly have the urge to continue because of them. Hindi man naging maganda ang istorya ng pagkuha ko sa kursong ito, masaya ako kasi maganda naman ang kinalabasan at naging dulo nito.


"You know, I never excel at anything..." I chuckled while looking at the crowd. There are some unfamiliar and familiar faces which doubled my anxiousness. Hindi talaga ako sanay na nagsasalita sa harapan ng maraming tao. Takot ako ma-judge. Pero sige... ngayon lang... masaya naman ako at proud sa sarili kaya hahayaan ko ang sarili na magsalita.


"I am not good at Math. I am just only confident in drawing, painting, sketch, and such. I planned to take Fine Arts course but unfortunately, I did not. Instead, I am in an Architecture course. So funny because when I entered college, I don't know how I will survive it. I mean, alam naman nating lahat na mahirap talaga ang kursong ito though lahat naman ng kurso ay mahirap pero kasi para sa akin... hindi ko 'to kaya. It is beyond my power. Pang-matalino lang 'to... eh hindi naman ako matalino." I paused for a moment. Naiiyak na naman ako.

Fate and Plans (Engineering Student #6)Where stories live. Discover now