Chapter Twenty Two

416 22 1
                                    

oo, double update hahaha! enjoy!

________________________________________________________________________________

Chapter 22


I am already a 4th year architecture student and Yuno's already an engineer. He's already working too... plus... he's handling and managing their families businesses. Grabe siya, paano niya napagsasabay-sabay ang mga iyan? In line sa course na natapos ni Yuno iyong ipinatayong latest business ng pamilya niya. Dagdag mo na lang iyong hotel and resort chains na meron ang pamilyang de Silva.


Si Kuya, nagtatrabaho na rin. Isa na rin siyang engineer at nagpapatayo na ng mga bahay. Minsan nandito siya sa Pangasinan pero kadalasan nasa ibang lugar at hindi ko alam kung saan.


Yuno on the other hand stayed here in Pangasinan. Bukod sa nandito ang business nila, dito lang siya tumatanggap ng mga offer. Hindi na lumalayo pa. Mas gusto ko iyon. Siya pa rin ang naghahatid-sunod sa akin papunta school at pauwi sa bahay.


"Sana all may jowang engineer!" sigaw ng mga kablockmates ko nang makita ako isang araw na sinusundo ni Yuno. May isang bouquet ng bulaklak ang nakalagay sa passenger's seat na agad niyang kinuha at binigay sa akin.


"Happy Valentine's Day..." he said. I smiled and give him a hug. Hmp! Porket engineer ka na, mas naging big time ka na ah! Palagi ka na may pa-flower!


This June, matatapos na ang academic year na ito... next... 5th year na! Isang taon na lang! Heck, I can't wait 'til that day to come.


At dahil nasa last 2 years na ako sa college, sobrang major na ang mga subjects namin at doble hirap na rin. Oo, wala na math subject pero may mga aspects na kailangan mo pa rin ito i-apply and the same time dapat mag-eevolve na rin iyong ibang skills ko as an architect student.


Dahil sa sobrang busy namin... halos hindi na kami matulog. Sobrang dalang na namin lumabas ni Yuno pero palagi naman niya akong binibisita.


Isang gabi, nag-break down ako dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko at dahil na rin sa pagod. Kagagaling ko lang ng sakit noong nakaraang araw, hindi ako makagawa ng maayos sa tuwing may sakit ako kaya ngayon tambak na tambak ako sa gawain. Umiyak ako saglit bago muling tinuloy ang gawain.


"4th year ka na, Aya... please... isang taon mahigit na lang," paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko.


Bumukas ang pintuan ng kuwarto ko, niluwa niya si Yuno na may dalang bulaklak at mga pagkain. I looked like a mess that's one thing for sure. I stood up and watching him in an awe.


"Pagod na ako..." sumbong ko. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.


"Hindi ko na ata kaya..." paos kong sabi. "Pagod na pagod na ako..."


"Shh... take a rest then but don't give up. You can do it. I'm here. Hindi kita iiwan."


"Magpahinga ka muna... regain your energy then fight again." He smiled before holding my hands and urging me to go to my bed.

Fate and Plans (Engineering Student #6)Where stories live. Discover now