Chapter Twenty Six

460 28 10
                                    

trigger warnings: depression, too much sadness, trauma, miscarriage


Chapter 26


Why? What went wrong? What happened? Are we fast? Are we doing it wrong? Or... we just overlooked the future? At hindi namin napaghandaan ang ganitong klase ng problema?


Or also, maybe... we are not really meant for each other that's why.


Kung hindi naman pala kami para sa isa't-isa... bakit hinayaan kami ng ng tadhana na magsama? Na mag-invest ng napakalalim na relasyon? Nakaka-walang gana mabuhay kung ganito lang din ang mangyayari sa buhay mo... lahat walang nagagawang tama. Kung may tama ka mang nagawa, pansamantala lang naman iyong kasiyahang dulot niya tapos mapapalitan ng sobrang sakit na pangyayari.


Sa lahat ng unos at sakit na naramdaman ko sa buong buhay ko... ito ang pinakamasakit. Fate says... I don't deserve happy ending story. But why? Hindi ko ba ito deserve?


I got betrayed by my best friend. I lost Yuno. Now, I lost my child.


Isang buwan na ang nakakalipas nang mangyari ang pinakamasakit na araw sa buong buhay ko. Nakalabas na ako ng hospital ilang linggo na rin ang nakakalipas. I am already starting my new life... but... where? Kinakain ko iyong sinabi ko kay Kuya na naka-move on na ako at okay na ako.


Akala ko sa bawat araw na lilipas unti-unti na ring maghihilom ang sakit pero parang hindi pa rin. Walang pagbabago. Akala ko makakapagsimula na ako muli... hindi pa rin eh. I am still stuck... still drowning in tears every night. My nightmares are haunting me. There are so many regrets. Disappointments. Pain. Sadness. Trauma.


Wala na akong ibang naging balita kina Yuno at Thalia. Huling kita ko kay Yuno ay noong araw na... I closed my eyes and let my tears pool down again... iyong araw na nawala ang baby ko.


Hindi ko alam kung may kinalaman si Kuya o ang pamilya ko rito kaya hindi ko na siya nakikita pa... pero marahil... p'wede rin na... tanggap na niya iyong magiging anak nila ni Thalia. Tanggap na niya na magkakaroon na sila ng pamilya. Tina-try ko rin naman na tanggapin ang lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon ah.


Iyong pangarap ko para sa amin ni Yuno... kay Thalia lang pala mapupunta.


Iyong pangarap na binuo ko para sa amin ni Yuno, sa iba lang pala mapupunta.


Nawala iyong anak ko, at ngayon siguro masaya na sila sa magiging bagong pamilya nila.


Anger is building up on my system. I unconsciously watch my hand shaking. Kumuyom ang kamao ko. Hindi ko alam saan ko ilalagay ang nag-uumapaw na galit at kalungkutan ko. I am in deep sorrow right now. No one... no one could ease it.


I screamed on top of my lungs. I kept on punching the mattress. "Please..." I cried. Ang sakit. Naninikip ang dibdib ko. Can... the world give me a break? P'wede mamahinga kahit konti? P'wede ba takasan ang mundo kahit sandali lang? P'wede bang mawala kahit konting araw lang? P'wedeng habang-buhay na rin.

Fate and Plans (Engineering Student #6)Where stories live. Discover now