Chapter Forty

580 26 3
                                    

Chapter 40


Wish I could turn back time... to the most beautiful days of my life.


Hindi namin napaghandaan ni Keziah ang ganitong klaseng problema. Siguro masyado kaming panatag na walang makakatibag sa amin. Siguro kahit sa tagal na namin na magkasintahan, hindi pa rin kami matatag na kagaya ng inaakala namin. Kasi kung talagang matatag kami hindi kami basta-basta mabubuwag nang kahit sino.


"Baka nung past life natin mga ibon tayo, kalapati gano'n, kasi ang dali lang nila tayong palayain," makahulugang sabi ni King. I heard Kai snorted to his brother's remarks, halatang lasing na. Ako, ayokong uminom kahit na kasama ko naman ang mga kaibigan ko.


"Ako, si Zion, tapos ngayon si Yuno naman. Tss," he ranted.


I looked away and diverted my attention to the dancefloor. Baka nga...



"Ayaw manira ni Keziah ng pamilya kaya siya nagparaya nang malaman niyang nakabuntis ka sa iba..." natigil ako sa pagbukas ng pinto ng sasakyan ko nang marinig si Cody na magsalita. Pauwi na kaming lahat. Si Kai at King nauna na dahil si King lasing na lasing na.


"Hindi ko iyon anak," malamig kong sabi. Paulit-ulit na lang. Nakakapagod na talaga.


"Pero paano kung anak mo nga iyon..." pumikit ako nang mariin at binalingan siya.


"Hindi ko nga iyon anak!"


"Paano nga lang!"


I gritted my teeth and opted not to answer him.


"You will abandon the child?" hindi ako nagsalita. "Ibahin mo si Keziah, hindi niya kayang gawin iyon. Hindi ka rin nun hahayaan."


I chuckled sarcastically.


"What's the point of our topic? Wala naman na kami eh. Takot nga siya sa akin. Ayaw nga niya akong makita. Ano pang point ng pinaguusapan natin?" punong-puno ng pait kong sabi.


Araw-araw na lang yata akong mabubuhay na may pait. I should be satisfied to what I did with the Buendias and Conrados but I'm still not satisfied. I want more...


"Bakit mo kami kakasuhan, De Silva? Baka nakakalimutan mo pinagtangkaan mo ang anak ko!" rinding-rindi na ako sa boses ni Dr. Buendia, pero kahit ganoon iyong mga daing niya nageenjoy ako pakinggan. Halatang... nahihirapan na.


"Malaki ang utang niyo sa akin. At may ebidensiya ba kayo sa paratang niyo sa akin?" I smirked. Fuck... I still can't believe I succeed with my plans. I smirked inside. Nasa lungga ko si Thalia nang mangyari iyon, lahat ng tao rito kampi sa akin. Wala kayong kakampi. Ako pa rin ang panalo rito.


"Yuno, hijo, ano'ng gusto mong gawin namin para mapatawad mo kami?" this time it is Mrs. Buendia who spoke, she is crying. I saw Thalia sitting on the sofa while crying also. Dramas...

Fate and Plans (Engineering Student #6)Where stories live. Discover now