Chapter Twenty One

430 21 0
                                    

Chapter 21


One night, Kuya involved in an accident. Ginising ako ni Mommy na umiiyak dahil naaksidente raw si Kuya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko rin alam kung nananaginip ako dahil nalulutang ako at kagigising ko lang. Saka lang rumehistro sa isipan ko na naaksidente nga si Kuya pagkarating namin ng hospital at habang pinagmamasdan ko siyang tulog, may mga pasa sa mukha at sa ilang parte ng kamay at paa niya.


Nakatulog na si Mommy sa sofa habang ako ay nasa tabi ni Kuya, nakaupo at pinagmamasdan lang siya. Pagod ko siyang tinabihan at natulog.


Kinabukasan ay gising na si Kuya. Maayos na siya. Minor accident lang naman daw pero kahit na!


Deserve niya ang malakas na sampal ni Mommy.


"Really, Cody?! Nagda-drive kang lasing?! Tingnan mo ang mukha mo! Ang sarili mo!" Mommy is fumingly mad. Nasa likod niya si Daddy at hindi nagsasalita. Alam kong nag-aalala rin ito at galit kay Kuya.


"Ano bang ginagawa mo sa sarili mo ha?! Hindi ka naman ganito ah!"


"Ma... I'm sorry. Nagkaayaan lang kami nila—"


"That's not an excuse! Sana nagpahatid ka na lang kila Yuno kung hindi mo naman pala kaya! Besides, hindi ka naman naglalasing ng ganon ah?"


"Mom, ngayon na lang ulit ako uminom. Hindi ako umiinom kapag may klase. Bakasyon naman kaya ayos lang." napatikhim ako sa narinig.


"Ayos lang?! Muntik ka na mamatay, ayos lang?!" I looked at Mommy crying.


"I'm okay, Mommy..." natigil si Kuya nang makita si Mommy na umiiyak. Umalis siya sa kama para yakapin sana si Mommy. Kahit na paika-ika siya.


"I'm sorry, I won't do it again. I promise."


"Hindi ka naman ganyan dati eh..." reklamo ni Mommy, nananatiling umiiyak.


Tama... nagbago nga si Kuya. Ramdam ko. Hindi na siya masyadong nakikisalamuha sa hapag, minsan na lang. Palagi niyang dahilan na may ginagawa siya. Noon kahit anong daming gawain ni Kuya hindi niya hahayaan na kakain kaming wala siya.


"Aray, Keziah!" sigaw niya nang diniinan ko ang paggamot sa kanyang mukha, sinadya ko iyon. Galit niya akong tiningnan. Wala si Mommy at Daddy at pinaubaya nila muna sa akin si Kuya.


"Deserve mo 'yan!" pagalit ko ring sigaw. Nananatili ang kamay niya sa mukha niya. Ilang saglit pa ay tumulo ang luha ko.


I heard him cursed.


"Nag-alala ako..." paos kong sabi. "What are you doing? You're not like this. You are not this mess. Kuya..." I hugged him so tight while ranting.


"Please, be careful. Please, take care of yourself. I don't want to lose you..." oo, sobra sobra akong nagooverthink. Paano kung mawala si Kuya, sino na lang ang kasama ko? Ang kakampi ko? "Please get yourself up. What are you doing? Please..."

Fate and Plans (Engineering Student #6)Where stories live. Discover now