"Morning" bati n'ya sa akin napansin naman n'ya agad ang hawak kong kahon "Nagpadala Kuya mo?" tanong nya agad naman akong napailing, tumango lang siya at umupo na

"Manang kumain ka na po ba?" tanong ni Tania naramdaman at nito ang pagpasok ni Manang kasama si Riley

Napaikot ko na lang ang mga mata ko sa kawalan at binitang ang kahon sa lamesa.

"Hindi pa hija mauna ka na---

Nakaramdam ako ng tawag ni Satanas ng makitang lingonin ni Tania si Riley. Walang emosyon ang muka nito

"Sya nga pala pinatuloy ko muna ang kaibigan n'yo dito dahil basang basa na s'ya ng ulan"

Halos maibuga ko naman ang kapeng iniinom ko dahil sa narinig ko

"Kaibigan ampota" bulong ko na lang

"Wala ka bang dalang payong?" sarkastikong tanong ko "Or baka sinadya mo lang basain sarili mo para makita ako dito" dagdag ko

Nakita ko ang pag ngiwi n'ya ibabato ko na sana ang tasa sa pagmumuka n'ya ng biglang magsalita si Tania

"Ipahiram mo uniform mo sa kanya"

Agad naman akong natigilan dahil sa sinabi nya hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

"A-Anong sinabi mo?" naninigurado lang na mali pandinig ko

"Mamatay ka na" aniya

"TANIA ANO BA!" sigaw ko sa kanya

"Biro lang" wala sa muka n'ya ang birong sinasabi n'ya

Padabog akong umakyat sa kwarto ko at kumuha ako ng isang set na uniform.

"Ito hindi ko pa ito nasusuot kaya 'wag kang mag inarte d'yan. Suotin mo na lang tapos mawala ka na sa landas namin"

"Why are you treating me like this?" tanong nya

"Hoyyy!" dinuro ko ang muka n'ya "Magpasalamat ka kase mabait pa ko sa lagay na 'to"

"Treating like this my ass! Sa tindi ng sapi ng masamang espiritu sa'yo ewan ko na lang kung magbait ako"

"Yeah yeah whatever" aniya

"Tania magbihis ka na" tumango lang s'ya at agad nagtungo sa kwarto nya

"She look familiar" sabi ni Riley

"Oo sya si kamatayan na maghahatid sayo sa impyerno kaya tandaan mo muka n'ya" sabi ko

"Muka n'ya ba talaga 'yon?" tanong n'ya na ikinakunot ng noo ko "Nagparetoke ba sya---

"Pag natampal ko yang bibig mo ewan ko lang kung bumalik pa yan sa tamang posisyon n'yan" inis na sabi ko

"So retokada nga s'ya---

"Abat talagang nandedemonyo ampota"

"I think I saw her in a tv commercial somewhere"

"Humanap ka ng kausap mo amaw ka!" nauubusan ng pasensyang sabi ko

Nakakainis talaga ang babaeng 'yun sirang sira na naman ang magandang umaga ko. 'Paano ba nakapunta dito 'yan? Si Venice lang naman nakakaalam ng bahay na 'to e. Imposible namang sabihin n'ya sa babaeng 'to address ng bahay namin'

"Porket maganda retokada na? Mindset nga naman ng tao" iiling iling na sabi ko

Kumuha ulit ako ng isang set ng unifrom. Hinintay ko munang mawala sa landas ko si Riley nasa kwarto ko kasi ito nasa c.r s'ya at doon nag bibihis.

"Ang laki ng bahay n'yo ah" bungad n'ya sa'kin nang makalabas s'ya ng C.R "Nasa iisang bahay nga talaga kayo"

'Ano bang pakialam mo!?'

Light in your Darkest NightWhere stories live. Discover now