KABANATA 31

98 9 41
                                    

[CHAPTER 31:]


'Rachel Amaris P.O.V'


"Hindi mo ako iiwan?" tanong ko habang seryosong nakatingin sa mga mata niya.

Napakunot ang noo niya, "What?"

Pinanlisikan ko siya ng mga mata, napalunok siya at mukhang nag-isip pa saglit kung ano ba ang ibig kong sabihin sa sinabi ko.

"Hindi kita iiwan." sagot niya ilang segundo ang lumipas.

Napatango tango ako, "Sigurado ka? Sure?" tanong ko ulit, sunod sunod naman ang naging pagtango niya, "Siguraduhin mo lang. Dahil hindi mo talaga magugustuhan ang gagawin ko kapag iniwan mo ako, Evan. Sinasabi ko sa'yo."

"I won't leave you. Hindi kita iiwan, hindi ko ipinapangako pero gagawin ko ang makakaya ko para hindi tayo dumating sa punto na iiwan na kita." ngumiti pa siya ng matapos siyang magsalita. Seryoso rin siya, nakatingin ang mga mata niya sa mga mata ko.

Napabuntong hininga ako, bago umiwas ng tingin.

"Naniniwala ka ba sa akin? Can you trust me?" tanong niya, at iniharap ang mukha ko sa kaniya, dahilan para matitigan ko siya.

Tumango ako, "Oo."

Naguguluhan pa rin kasi ako sa kung ano ba dapat ang maging sagot ko sa kaniya. Dapat ko na ba siyang sagutin?

Boto naman sa kaniya ang pamilya ko, okay naman siya. Napabuntong hininga ulit ako.

"Halika na nga, pumasok na tayo sa classroom." sabi ko at hinila na siya papasok sa loob ng classroom.

Hanggang sa magsimula ang klase at hanggang sa matapos ay tulala lang ako at walang naintindihan. Kailangan ko talagang pag-isipang mabuti ang isasagot ko sa kaniya.

Natigilan ako at saglit na napa-isip, kung talagang gusto ko siya bakit kailangan ko pang pag-isipan ang isasagot ko?

"Let's go?" rinig kong sabi niya sa tabi ko, napa-angat ako ng tingin sa kaniya.

Umiling ako, "Hindi mo na ako makikisabay sayo Evan. Sa susunod na lang, makikisabay ako kina Jessie at Nada." sabi ko at tipid na ngumiti.

Iniwan ko siya at naglakad palapit kina Nada na papa-alis na. "Oh?" sabay na tanong nila ng makita ako.

"Sabay ako sa inyo." tipid kong sabi, nagkatinginan ang dalawa bago palihim na tumingin kay Evan.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanilang dalawa, pinigilan kong lumingon kay Evan.

"Okay." sagot ni Nada, bago pa kami makalabas ng classroom nahagip ng paningin ko si Evan na nakatingin sa akin.

Mabilis akong umiwas ng tingin at nakisabay na kina Jessie sa pag-alis.

Habang nasa hallway kami at naglalakad, hindi na ako nagulat ng sunod sunod na tanong ang natanggap ko sa dalawa kong kaibigan.

"May nangyari ba? Bakit hindi kayo ang sabay na uuwi?" si Jessie,

"Kaya nga? May problem ba? Sabihin mo sa amin dali!" pagpupumilit naman ni Nada.

Bumuntong hininga ako, "Punta tayong plaza at bumili ng fishball at makakain." pag-aaya ko at pareho silang hinila.


Nang makarating kami sa plaza, sa bayan at ng makabili na rin kami ng pagkain ay umupo kami sa bench para sa mga tumatambay.

"Oh ano na? Mag-talk ka na?" nakataas kilay na utos ni Jessie.

You Are My Enemy (COMPLETED)Where stories live. Discover now