KABANATA 18

106 9 21
                                    

[CHAPTER 18:]

'Rachel Amaris P.O.V'

Pagkauwi ko kanina nang bahay ay nagbihis kaagad ako ng damit at inilabas ang mga gamit ko sa pagpipinta kasama narin iyong mga binili ni Evan para sa akin noong pumunta kami ng mall.

Lihim akong napangiti bago napailing iling, para akong baliw dahil sa ginawa ko. Umupo na ako sa upuan at humarap sa blank na canva. Nasa teresa ako ng bahay namin dito ko naisipang magpinta para sa dadalhin ko bukas.

"Jek, doon ka sa loob." sita ko sa kaniya, paano ba naman kasi nakikiusosyo sa akin paano kong madikitan siya ng pinta?

"Dito ako ate." nakasimangot na sabi nito at umupo pa sa tabi ko.

Napabuntong hininga ako at hindi na lang siya pinansin. Nagpatuloy na lang ako sa pagpipinta.

Hindi ko maintindihan dahil sa bawat pagdikit nang paint brush sa canvas ay siya ang naaalala ko. At sa dalawang canva na natapos ko lahat iyon ay may lalaki, ang isa ay nakatalikod at ang isa naman ay nakatagilid, ang isang canva na natapos namin kanina ay iniwan ko na school gano'n rin ang ginawa ng mga kasama ko.

Napakamot ako sa ulo ko, nakakainis naman nasa bahay na nga ako sumasagi parin siya sa isip ko.

"Ate ganda." rinig kong sabi ng kapatid ko, napalingon naman ako sa kaniya.

"Ako maganda? Matagal na, Jek." may pagmamalaking sabi ko,

Napangiwi ito, "Sabi ko ganda iyon." anito sabay turo sa canva na pinipinta ko.

"Oo na, doon kana nga." naiinis kong pagtataboy sa kaniya. Nakahinga ako nang maluwag ng umalis na siya dahil tinawag na siya ng mga kalaro niyang mga bata.


Nagpatuloy ako sa pagpipinta hanggang sa matapos ko na ito, dadalhin ko na lang ito bukas para maisaayos na sa booth. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga paintings na natapos ko, napawi ang ngiti ko nang maisip kung bakit lahat nang paintings ko ay may lalaki.

Inayos ko na ang mga gamit na ginamit ko bago tumayo, pagkatapos ay naghugas rin ako ng kamay.

"Oh tapos kana?" tanong ni mama nang makita niya ako,

"Oo ma, diyan lang ho ako sa labas." paalam ko, at naglakad na paalis. Hindi ko na hinintay ang sagot ni mama dahil nakatuon na ang atensyon niya sa pinapanoodan sa tv.

Lumabas ako nang bahay at nakita ko si Jek na nasa labas, tapat nang bahay namin habang kalaro ang mga pinsan namin.

"Jek, diyan ka lang. Uwi kana mamaya." bilin ko bago umalis.

Pumunta ako nang kalsada at gumala, pumunta ako sa tindahan na pagmamay-ari nang lola nila Evan.

"Pabili nga po!" sigaw ko para marinig nang taong nasa loob.

Ilang saglit lang ay pumasok na sa tindahan si Aling Esmeralda, "Oh Rachel, anong bibilhin mo?"

"Softdrinks nga po royal." sagot ko, "At saka po piatos." tumango naman ito bago kumuha nang binibili ko.

Kinuha ko naman sa bulsa ko ang perang ipambabayad ko, singkwenta pesos. Nilagay narin ni Aling Esmeralda sa plastik ang royal bago ibinigay sa akin, kinuha ko narin ang piatos pagkatapos ay iniabot ko naman ang bayad.

Tumambay muna ako sa tabi nang tindahan ni Aling Esmeralda, akala ko ay umalis na ito sa loob nang tindahan ngunit nagkamali ako dahil balak pa yata nitong makichismiss sa akin.

"Kamusta naman ang eskwela Rachel?" tanong nito, sumipsip muna ako sa sofdrinks bago sumagot.

"Maayos naman po," simpleng sagot ko at kumuha nang piatos, "Gusto niyo?" pag-aalok ko sa kinakain ko.

You Are My Enemy (COMPLETED)Where stories live. Discover now