KABANATA 32

95 7 36
                                    

[CHAPTER 32:]


'Rachel Amaris P.O.V'



"Kapag ako inihulog o itinulak mo sa putikan, naku! Sinasabi ko sa'yo Evan, iihawin talaga kita." pagbabanta ko, nangangapa ang dalawang kamay ko dahil wala akong makita.

Paano ba naman kasi? E, tinakpan ni Evan ng panyo ang parehong mga mata ko. Ang sabi niya kanina gusto raw niya akong dalhin sa bukid, dahil presko at tahimik.

"Trust me, my Tangi." bulong niya sa mismong tainga ko, napakagat ako sa ilalim ng pisngi ko dahil doon.

"O-okay." mahinang sabi ko.

"We're here." rinig kong sabi niya, pagkatapos ay dahan dahan niyang tinananggal ang nakapiring na tela sa mga mata ko.

Kumurap kurap pa ako para iadjust ang paningin ko, ng okay na ay literal na napanganga ang bibig ko. "Picnic?" mahinang tanong ko.

Tumango siya, "Yeah. Picnic, maganda ang view dito sa bukid, malamig, mahangin presko at tahimik. Kaya dito ko naisip na dalhin ka."

Napatango tango ako at patakbong lumapit sa sapin na nakalatag sa damuhan, may mga pag-kain rin na nandito na. Umupo ako, at tumingin sa kaniya. "Oh bakit nakatayo ka lang diyan?" tanong ko, umiling lang siya at naglakad rin palapit sa pwesto ko.

Nag-bukas ako ng makakain, "Mabuti na lang hindi gaanong mainit ngayon dito."

"Tsk, hindi kita rito dadalhin kung mainit." sagot niya.

Umikot ang mga mata ko, "Nagsasabi lang naman."

Humiga ako sa hita niya, at nag-angat ng tingin para tignan siya. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin, ngumiti ako sa kaniya. "Saan mo balak mag-aral sa college?" pagtatanong ko at umiwas ng tingin, kinuha ko ang pagkain at inilapag sa tapat ng tiyan ko, kumuha at isinubo ko.

"I don't know." sagot niya,

"Bakit hindi mo alam?" tanong ko.


Nagkibit balikat siya, "I just don't know. How about you? Saan ka mag-aaral ng college?"

"Hindi ko rin alam, bahala na sina mama naman ang magdedesisyon no'n. Anong pangarap mo?" pagtatanong ko ulit, kumuha siya ng pagkain nakalagay sa ibabaw ng tiyan ko at isinubo 'yun bago sumagot.

"I want to be a Pilot, just like my father." sagot niya, pero bakit-?....


"Hindi ka sure?" pagtatanong ko.


Umiling siya, "I really want to be a pilot. But my Grandpa already talk to me."

Nangunot ang noo ko, "Anong sinabi?"

"Gusto niyang ako ang mag-handle ng kumpanya. Gusto niyang ipasa sa akin lahat ng shares niya kapag nakapag-tapos na ako ng pag-aaral." sagot niya, nilingon ko siya.

"Edi mas masaya 'yun." malawak ang ngiting sabi ko.


"You don't understand Rachel." mahinang sabi niya.

Umupo ako mula sa pagkakahiga, "Ano nga kasi? Ipaintindi mo."

Malalim siyang bumuntong hininga, bago ngumiti. "Don't mind it. Matagal pa naman."

Napakamot ako sa ulo ko, "Sigurado ka? Sabihin mo lang kung may gusto kang sabihin." tumango lang siya, tumango na rin ako. Hinila niya ako at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Ikaw anong pangarap mo?" tanong niya, napaisip ako ano nga ba ang kursong pangarap ko?

"Gusto kong maging teacher." sagot ko, ramdam ko ang pagtango niya at paghaplos sa buhok ko.

You Are My Enemy (COMPLETED)Where stories live. Discover now