KABANATA 15

108 9 38
                                    

[CHAPTER 15:]

'Rachel Amaris P.O.V'

Hindi ako mapakali habang nakahiga sa kama ko. Naiinis kong kinamot ang ulo ko. Binabagabag parin ako ng dahil sa nangyari kanina.

Hindi ko alam kung joke niya lang ba lahat ng sinabi niya o imagination ko lang. Nakakainis lang, pagkatapos niyang sabihin ang mga 'yon ay tsaka siya agad umalis, at siya pa ang may ganang mainis.

Naiinis akong bumangon sa higaan ko at umupo. Bakit nakakairita siya? Bakit sobrang nakakainis siya?

'Because he's the only one you always notice, ako dapat ang kausap mo habang nakangiti ka, ako dapat 'yong palagi mong kausap. It should be me and not him. Bakit kapag kausap mo siya nakangiti ka, mahinahon ka, pero bakit kapag ako na, palagi kang galit at naiinis. Gano'n mo ba ako ka disgusto?'

Pabagsak ulit akong humiga ng maalala ko ulit ang sinabi niya kanina.

Inamin niyang nagseselos siya, hindi ba? Bakit siya magseselos? Ano yong pinaka-main reason niya?

Hindi kaya-?... gusto niya ako?

Sinapok ko ang ulo ko sa pumasok na ideya sa utak ko, siya magkakagusto sa akin? Impossible.

Ipinadiyak-padiyak ko ang parehong paa ko sa kama dahil sa inis. Napabuntong hininga ako bago huminto at tumingin ulit sa kisame ng kwarto ko.

Nakakainis naman eh, bakit ko ba siya iniisip? Bakit ba niya ako ginugulo? Hindi ko na nga siya kasama naiinis parin ako.

Kinaumagahan halata sa mukha ko na kulang ako sa tulog. Lumabas ako ng kwarto para mag-almusal at maghands sa pagpasok, napapapikit pikit pa ako habang naglalakad.

"Rachel ang kupad mo, may naghihintay na sayo sa labas!" rinig kong sigaw ni mama habang karga karga si Jek, kagagaling lang nila sa labas.

Nangunot ang noo ko, "At sino ma?"

"Si Evan, hinihintay ka dalian mo. Mahiya ka naman!" asik nito sa akin,

Napakurap ako sa narinig, tulog pa ba ako? Nanaginip ba ako habang naglalakad?
"Ano ma!?"

"Ang sabi ko naghihintay na sayo si Evan, dalian mo. Kumain kana doon, papasukin ko lang siya." anito at lumabas ulit habang karga karga parin si Jek.

Saglit akong natulala habang dilat na dilat ang mga mata, pagkatapos ay mabilis akong tumakbo papuntang lababo para maghilamos at magmumug.

Shocks!

Pagkatapos kong magmumug at maghilamos ay mabilis akong umupo sa upuan sa hapag at nagtimpla ng kape at kumain na, natigilan ako sa pagkain ng pumasok sila sa kusina.

Para akong isang kriminal na nahuli sa akto, "Ayusin mo nga yang pagkain mo, Rachel. Nakakahiya kay Evan." sita ni mama at pinanlakihan ako ng mga mata.

Napalunok ako ng magtama ang mga mata namin ni Evan, naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Naalala ko na naman ang mga sinabi niya.

Umayos ako ng umupo at nag-iwas ng tingin sa kaniya bago tinapos ang pagkain ko. Ayaw ko siyang tanungin kung bakit siya nandito, at parang ayaw ko ring magsalita dahil pakiramdam ko mauutal lang ako.

Mabilis at naghuhurumintado rin ang puso ko, hindi mapakali at para bang gustong lumabas. Tumayo na ako, "Ah ma, maliligo na po ako." paalam ko at nakayukong naglakad, nilagpasan ko siya at aksidenteng tumama ang kanang braso niya sa kaliwang braso ko.

Mabilis akong naglakad pabalik ng kwarto ko para kumuha ng tuwalya at uniform ko pagkatapos ay lumabas rin kaagad ako para pumunta ng banyo.

Nanginginig ako habang naliligo, paulit ulit na bumabalik sa isip ko ang mga sinabi niya kahapon maging ang pagpunta niya ngayon dito. Hindi ba't parang galit siya kahapon ng iwan niya ako? Eh bakit anong ginagawa niya ngayon dito?

You Are My Enemy (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant