KABANATA 37

93 7 43
                                    

[CHAPTER 37:]


'Rachel Amaris P.O.V'


6 Years Later...


"Okay class, dismiss." nakangiti kong sabi sa mga estudyante ko.

Ang bilis ng panahon dati-rati teacher ko ang nagsasabi no'n sa aming mga estudyante niya. Anim na taon na rin ang lumipas, at ngayon ay isa na akong ganap na guro.

Nasa ika-anim na baitang ang tinuturuan ko. Masaya naman at maayos ang trabaho ko. Bumuntong hininga ako ng maka-alis na ang lahat ng mga estudyante ko.

Inayos ko na ang gamit kong nasa mesa bago lumabas ng sarili kong classroom dala-dala ang gamit at mga papers ng mga estudyante ko. Sa apartment ko na lang ichecheck ang mga quiz at assignments nila.

Simula no'ng makapasa ako sa bar exam sa pagtuturo ay kumuha ako ng apartment na hindi gaanong malayo sa school na pinagtratrabahuan ko. Dahil kung uuwi ako araw-araw sa bahay ay kukulangin ako ng oras at kulang sa pamasahe kung kaya napag-desisyonan kong umuwi lang sa bahay tuwing sabado at linggo.


Nang makarating sa tapat ng apartment ay kinuha ko ang susi ng bahay sa bag pagkatapos ay binuksan ang pinto. Hindi gaanong kalakihan ang apartment hindi rin ganoon kaliit ngunit sapat lang para sa akin. Mag-isa lang ako rito at wala namang problema, safe rin naman sa lugar na ito.

Inilapag ko ang mga gamit na dala-dala ko sa sofa bago ko isinara ang pinto, hindi ko na ito ini-lock dahil wala namang papasok.

Pagod akong umupo sa sofa, kinuha ko anb remote na nakalapag sa mesa bago sin-witch ang tv. Sumandal ako sa kinauupuan ko, pagkabukas na pagkabukas pa lang ng tv ay siya kaagad ang bumungad.

Saglit akong natigilan at napatitig sa kaniya sa telebesiyon, ang laki ng ipinagbago niya kagaya na lang ng panganagatawan niya, ng kilos, ng pananalita, at ang ugali naman niya ay mas lumala pa ngayon.

"May I ask if are you  in a relationship right now?" nakangiting tanong ng isang lalaki sa kaniya, isa itong tv show at mukhang naimbitahan na naman siya dahil hindi ito ang unang beses na napanood ko siya sa tv. Akalain mo nga naman umaabot pa rin ang mukha niya hanggang dito.

Naghintay ako sa isasagot, hindi kaagad siya nakasagot napangisi ako. Huhulaan ko mayroon 'yan, baka may asawa na 'yan ngayon.

"Yes, I have." sagot nito, napatapik ako sa hita ko at hindi nawala ang pagkakangisi ko.

"Sabi na e, hindi ako nagkamali. Pwedi na akong maging manghuhula nito." natatawa kong sabi, hindi ko namalayan ang pagpatak ng ilang butil ng luha mula sa mga mata ko, mabilis ko itong pinahid bago tumawa ulit.

Hindi pa ba pagod ang mga mata ko kakaiyak? Anim na taon na, anim na taon na ring hindi napapagod ang mga mata ko kakapatak ng mga luha. Samantalang ako pagod na pagod na.


"Oh, is that so? We heard that you're coming back to your home country, is that true?" natigilan ako sa tanong ng lalaki sa kaniya, napatitig ako sa kaniya seryoso ang mukha niya at walang emosyon ang mga mata niya.

Tipid siyang tumango bilang sagot sa tanong ng lalaki.

"Can I also ask if your girlfriend is here?" dahil sa sunod na tanong ng lalaki sa kaniya ay mabilis kong pinatay ang tv at tumayo mula sa pagkakaupo, nasasayang ang oras ko sa panonood ng walang kwentang bagay.

Pumunta ako ng kusina at nagluto ng pwedi kong makain para sa hapunan. Habang nagluluto ay napaisip ako, bakit siya uuwi? Bakit kailangan pa niyang umuwi? Dito ba sa probinsiya siya uuwi o sa manila? Pero nandirito sila tita Rj, ibig bang sabihin uuwi rin siya rito?

You Are My Enemy (COMPLETED)Where stories live. Discover now