KABANATA 36

100 8 64
                                    

[CHAPTER 36:]

'Rachel Amaris P.O.V'

"Congrats." nakangiting sabi niya.

"Congrats din, nagawa natin!" tugon ko, hindi na ako nagulat ng halikan niya ako. "Chumansing ka na naman."

"Gusto mo naman." hinampas ko siya dahil sa sinabi niya.

Nagkaroon kami ng salo-salo kanina sa bahay at ganoon rin sa kanila dahil pareho na silang graduate sa high school. At heto kami ngayon, magda-date raw kami iyon ang sinabi niya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko, habang nasa biyahe kami.

"Ikaw, kung saan mo tayo gustong pumunta?" balik tanong niya.

"Ayaw ko, gusto ko ikaw ang magdesisyon dalhin mo ako sa lugar kung saan kumportable at hindi pa natin napupuntahan." sagot ko para hindi na kami magturuan pa.

"Okay, if that's what you want." sagot niya at bahagyang pinisil ang kamay ko na nasa ibabaw ng hita ko.

...

"Paano mo nalaman ang lugar na ito?" pagtatanong ko, para kasing paradise ang ganda ng lugar na pinagdalhan niya sa akin.

Nagkibit balikat siya, "Ngayon lang din ako ako rito nakapunta. Nagdrive lang ako ng nagdrive, hanggang sa huminto na tayo rito." sagot niya.

Nakatulog kasi ako kanina habang nasa biyahe kami kung kaya hindi ko alam kung nasaan na kami at kung saang lugar na.

Malapit ng lumubog ang araw, isa sa pinakamagandang tanawin para sa akin.
Napatingin ako sa ibaba, medyo nagulat ako ng makitang dagat pala ang nasa ibaba.

"Angganda nang tanawin, ang kaso nakakatakot namang tumingin sa ibaba." nakangiwing kumento ko, rinig ko ang mahinang pagtawa niya.

"It's relaxing here." kuminto rin niya na sinang-ayunan ko.

"Graduate na tayo ng high school." nakangiti kong sabi, habang nakatingin sa papalubog nang araw. "Nakapag-decide na rin ako kung saan ako mag-aaral ng college. Ikaw?"

"Yeah." tipid niyang sagot, tumahimik na ako dahil ayaw kong tanungin kung saan siya mag-aaral ayaw kong marinig ang isasagot niya.

Pareho kaming natahimik, ilang minutong katahimikan ang namutawi sa aming pareho tanging tunog ng alon na mula sa dagat at hangin ang naririnig.

"Are you happy?" bigla niyang tanong, saglit akong napatingin sa kaniya bago tumingin sa ibaba kung kaya nakita ko ang dagat na may malalaking alon, nakakatakot naman.

"Oo naman masaya ako. Ikaw masaya ka?" balik tanong ko.

"Yeah, I'm happy too. Masaya ako sa maraming dahilan." sagot niya na may maliit na ngiti sa labi.

"At sa anong mga dahilan naman 'yan?" kunwari ay masungit kong tanong.

"First, my dream came true. Secondly, I'm finally graduated in high school." sagot niya, tinanguan ko siya pero napataas ang kilay ko dahil may gusto akong itanong dahil sa naging sagot niya.

"Ano 'yong dream come true mo?"

"That finally, you're mine." sagot niya na ikinatigil ko. "Matagal na kitang pinapangarap, simula pa noong elementary." dahil sa sinabi niya mas lalo akong nagulat at bahagyang napakurap-kurap.

"Seryoso ka? Hindi ba't sa Manila ka noon nag-aaral at lumipat lang kayo rito noong grade eleven ka na?"

"You won't believe me, Rachel kung sasabihin ko sa'yo na simula noong pagkamalan mo akong bakla ay nagkaroon na ako ng pagkagusto sa'yo." mahina pa siyang natawa pagkatapos niyang magsalita.

You Are My Enemy (COMPLETED)Where stories live. Discover now