KABANATA 5

157 7 59
                                    

[CHAPTER 5:]

'Rachel Amaris P.O.V'

Ten am sakto ay nasa tapat na ako ng bahay nila at hinihintay siya, tinext ko narin siya at para sabihing nandito na ako sa labas ng bahay nila. Nag-door bell ako ng isang beses at bumukas naman ang gate, bumungad sa akin ang lalaking hinihintay ko.

"Ethan." nakangiting bati ko, ngumiti rin siya pabalik.

"Pasok ka." umiling ako sa sinabi niya,

"Hintayin nalang kita rito sa labas."

"Are you sure? Magbibihis pa ako at medyo matagal rin." anito, nakangiti akong umiling.

"Dito na ako, hihintayin nalang kita." dahil sa sinabi ko ay tumango siya at iniwan na ako, pumasok na ulit siya sa loob. Ayaw kong pumasok sa loob dahil baka makita ko siya, si Evan. Maalala ko na naman ang nangyari kagabi, ang pag-uusap namin.

Pag-uusap ba 'yon? Eh pareho lang naman kaming magkatabi at tahimik habang nakatingin sa langit, pero kasi sa pagtahimik namin ay parang gano'n kami mag-usap.

Teka nga, nahahawa na yata ako sa pagiging weird niya. Ah basta ayaw ko siyang makita muna ngayong weekend.

Naglakad ako pabalik balik habang naghihintay sa kaniya sa labas, saan kaya kami pupunta? Ako ang nag-aya kaya dapat may alam na akong pupuntahan namin.

Ilang minuto lang ay lumabas na siya ng bahay nila, nakasakay sa kotse niya. Dapat kasi maglalakad na lang kami o di kaya ay magtra-tricycle nalang. Napabuntong hininga ako at lumapit sa sasakyan niya, bumukas ang bintana ng driver seat.

"Pumasok kana." anito, umikot ako para pumasok sa passenger seat. Nang makapasok na ako sa loob ng kotse at maisara ang pinto ay tsaka niya pinaandar ang sasakyan.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya sa kalagitnaan ng biyahe, hindi pa kami nakakalabas ng barangay.

"Sa plaza? Sa mall?" patanong kong sagot sa kaniya.

"Saan ang mauuna?" tanong ulit niya.

"Sa mall na lang muna." nakangiti kong sagot, pinagmasdan ko ang side view niya. Kyah! Ang gwapo talaga.

"Hindi ko alam na ako pala ang gusto mo, buong akala ko ay ang kakambal ko." napangiwi ako ng mag-open siya ng topic, okay sana eh. Pero bakit naman ganyan,

"Ano? At bakit ko naman magugustuhan ang masungit at antipatiko mong kapatid?" bakas ang iritasyon sa boses ko, sorry naman. Ah basta pag naririnig ko ang tungkol sa kaniya automatikong tumataas ang dugo ko.

Napailing iling siya na para bang pinipigilang tumawa, "You know what, kung gusto mo si Evan? Just tell to me, tutulungan mismo kita."

Mahina ko siyang hinampas sa braso, mahirap na baka mabangga kami pag nalakasan ko. Nakakainis na ah, magkasama kami pero ang kakambal niya ang topic namin.

"Hindi ko nga kas siya gusto. At saka diba nga tayo na? Tayo na?" natawa siya sa sinabi ko at tumango, oh diba kami na.

"But you know what Chel, this is not the real definition of love." aniya at tumahimik, napakunot naman ang noo ko dahil hindi ko magets ang pinupunto niya.

Pero mas pinili kong tumahimik nalang, at sumandal sa kinauupuan ko at tumingin sa labas ng bintana.

This is not the real definition of love? Pinagsasabi niya?

Nang makarating kami ng mall ay sabay kaming naglibot libot sa loob, window shopping. Pero teka nag-aya ako pero wala naman akong pera para sa date namin. Paano kami kakain?

You Are My Enemy (COMPLETED)Where stories live. Discover now