KABANATA 24

110 10 66
                                    

[CHAPTER 24:]

'Rachel Amaris P.O.V'

Umagang umaga sira na ang araw ko. Fish cake! Dalawang araw siyang hindi nagpakita at ang lakas ng loob niyang magpakita sa labas ng bahay namin? Aba ang kapal naman yata ng atay niya.

Nanggigigil kong tinusok ang hotdog na nasa plato ko bago isinubo, naiinis talaga ako. Bungad ba naman ang mukha niya, sinong hindi maiinis?

"Bilisan mo ng kumain Rachel, malalate kana." sita ni mama, nagpabalik sa akin sa huwisyo. Mabuti na lang at nagsalita si mama dahil kung hindi baka nandilim na ang paningin ko at sinugod si Evan sa bahay nila para suntukin.

Inubos ko na ang pagkain ko at ininom ang kape, "Ma tapos na po ako." pagkatapos no'n ay umalis na ako at dumeritsong banyo, inilagay ko na kanina sa banyo ang uniform at tuwalya ko para walang mauna.

Mabilis akong naligo at pagkatapos ay nagbihis na ako, lunes na naman. May pasok na naman, nakakatamad naman!

Lumabas na ako ng banyo at pumuntang kwarto ko, kinuha ko ang bag ko at tinanggal ang lahat ng mga laman ng bag at pinalitan ng tatlong notebook, isang papel, tatlong ballpen. Iyon lang at wala na, nakakatamad magdala ng mga gamit, at isa pa ayaw kong mabigatan ako noh!

Tinanggal ko ang tuwalya na nasa ulo ko pagkatapos ay nagsuklay na ako, hindi na ako naglagay ng pulbo nababahing ako at hindi narin ako maglalagay ng liptint dahil nasusugat ang labi ko. Arte naman ng labi at ilong ko!

Isinuot ko na ang black shoes ko na may taas na two inch. Ayaw ko ng masyadong mataas, matatapilok ako. Inilugay ko ang basa kong buhok na hanggang bewang ko na ang haba. Kailangan ko na yatang magpagupit.

Isinukbit ko na ang bag ko sa balikat at inayos ang suot suot kong uniform, ngumiti ako at umirap, tsk. Naglakad na ako palabas at nakasalubong ko si mama, "Ma alis na ako." paalam ko.

"Sige na, lumayas kana." ismid nito, at inirapan ako. Napasimangot na lang ako at kinurot si Jek na karga karga ni mama. Nginisihan ko ito ng hinampas niya ang kamay ko.

"Huwag kang pasaway kay mama, jek. Ibibitin kita patiwarik." banta ko bago umalis.

Pagkalabas ko pa lang ng bahay ay nagulat ako ng may nakaparadang sasakyan sa labas, at mukhang hinihintay ang paglabas ko. Alam ko kung kanino may ari ito, dumako ang tingin ko sa taong nakatayo, sa dalawang taong magkausap sa tabi ng sasakyan.

Agad na umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko, nanggigigil ako at naiinis! Ang lakas ng loob niyang pumunta ulit dito sa amin at pagkatapos ay nagdala pa siya ng babae?

Kung makapag-usap sila ay parang kanila ang lupang kinatatayuan nila, at ang malanding higad ay kung makangiti sa kumag ay wagas.

Ito ba ang girlfriend niya? May girlfruend na ba siya? Kung makasabi siya sa akin na 'I like you' tapos may girlfriend na pala siya. Ang sarap niyang sampalin ng I like you niya!

Mabuti na lang pala at hindi ako masyadong umasa sa paa- I like you, like you niya. Pero bakit masakit sa puso? Bakit kumikirot ang puso ko ngayon?

Umiling iling ako, hindi! Hindi ako nasasaktan, hindi talaga. Bakit ako masasaktan, e hindi ko nga siya gusto diba? Diba?

Naglakad ako palapit sa kanila at tumikhim ng pagkalakas lakas, "Anong ginagawa niyo dito?" walang emosyon kong tanong sa kanilang dalawa.

Deritso ang titig ko sa mga mata ni Evan, hindi ako umiwas ng tingin ng tignan rin niya ako sa mga mata.

"Rachel." narinig kong bigkas niya sa pangalan ko, ang kapal rin ng mukha niya para tawagin ako sa pangalan ko!

"Oh, so you are Rachel?" tanong ng babae, nakataas ang kilay na tinignan ko siya.

You Are My Enemy (COMPLETED)Where stories live. Discover now