YOU ARE MY ENEMY

307 12 14
                                    

[PROLOGUE:]

"Bakla ka ba? Bakit mo inagaw ang barbie ko?" naiiyak na si Chel ng itanong niya 'yon sa akin.

Nanlisik ang mga mata ko nang bitiwan ko ang laruan nitong barbie, "Hoy babae! Hindi ako bakla. At anong inagaw? Napulot ko lang ito at hindi ko alam na sayo pala."

"Oh halla, kambal! Bakit umiiyak si Chel?" dumating si Ethan, at dahil doon mas ngumawa pa sa pag-iyak si Rachel. Napabuntong hininga ako at iniwan silang dalawa. Hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko ang huling sinabi ni Rachel.

"Bakla ka Evan! Ipagkakalat ko 'yon!"

That was happened when I am still 10 years old kid, eight years had been passed. But still other people thinks that I am a gay, and that's because of Rachel.

I hate that girl! Bacause of her they think I am gay even it's not.

Pababa na ako nang hagdan nang makasalubong ko si Mommy. "Good morning mom." I greeted her.

Ngumiti siya sa akin, "Good morning too."

"Where's Ethan?" paghahanap ko sa kakambal ko.

"Nasa kwarto parin niya, alam mo naman 'yon. Pumunta ka na sa kusina at kumain na. Gigisingin ko lang ang tulog mantika mong kapatid." tumango lang ako sa sinabi at iniwan si mommy.

Hindi pa man ako nakararating nang kusina ay naririnig ko na ang boses nang babaeng 'yon.

"Tito Elias may lahi po ba kayong bakla?" nagsalubong ang dalawang kilay ko sa tanong nang babae. Napatingin sa kaniya si Dad na abala sa pagluluto nang agahan.

"Chel hija, wala sa lahi namin ang bakla. At kung iniisip mong bakla ang anak ko, nagkakamali ka. Evan is not gay." sagot ni dad at ipinagpatuloy ang pagluluto. Tuluyan na akong pumasok nang kusina.

"Dad hindi ba tayo maghihirap kung araw araw tayong magpapalamon nang kagaya niya?" puno nang sarkasmo kong tanong at tumingin sa babae, na ngayon ay masama ang tingin sa akin habang puno ang bibig nito nang pagkain.

"Evan don't say that." sita sa akin ni dad.

"Hoy ikaw bakla! Nakikikain lang naman ako at hindi kayo maghihirap dahil doon. Hambalusin kita eh!" nanggigigil ako nitong tinignan. I just rolled my eyes at her. "Kita mo bakla ka nga, inikutan mo pa ako nang mata."

Hindi ko siya pinansin bagkus ay umupo ako sa upuang katapat lang nang sa kaniya.

I hate her presence, I hate when she's around, I hate when she's being sweet with Ethan. I hate her, I really do.

You Are My Enemy (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora