KABANATA 20

114 9 58
                                    

[CHAPTER 20:]

'Rachel Amaris P.O.V'

"Rachel you will pay for this, I swear." madilim ang mukha niyang sabi, galit at matatalim ang mga matang nakatitig sa akin.

Napangiwi ako, at awkward na tumawa. Sunod sunod rin ang naging paglunok ko.

"Sorry na." mahinang bulong ko sa kaniya, tumalim muna ang titig nito sa akin bago nakipagpicture sa babae at sa kasama nitong binabae.

Ganito ang plano ko, naisip ko na sa tuwing may papasok sa booth namin at bibili ng paintings o di kaya ay gagawa nang painting ay may libreng pa picture mula kay Evan.

Ipinaskil pa namin sa harap ang ganoong notes, dahilan para dumugin kami ng mga tao. Maaga pa lang ay marami nang pumupunta sa amin, at marami rami narin ang kinita namin.

Ang kaso sobrang sama ng tingin sa akin ni Evan na kulang na lang ay isumpa ako nito dahil sa ginawa ko. Sa tuwing may magpapapicture sa kaniya, hindi man lang siya ngumingiti at palaging poker face lang pero hindi iyon ang naging dahilan para ayawan siya ng mga tao kapag magpapapicture, sa katunayan kinikilig pa ang mga ito.

Napakamot ako sa ulo ko, habang tinitignan silang nakikipagpicture sa kaniya, habang siya naman ay parang iritang irita na.

Nang matapos na ang mga ito na makipagpicture sa kaniya ay nginitian ko sila. "Maraming salamat sa pagpunta at pagbili ng painting." nakangiti kong sabi, ngumiti sila at nang pagkaalis nila ay nagulat ako ng biglang may humila sa akin.

"Ano ba Evan? Bakit ba nanghihila ka?" tanong ko, mabibilis ang mga lakad niya idagdag mo pang mahahaba ang bias niya, paano naman ako?

Nang makalabas kami sa booth at makarating sa likod nito ay huminto siya dahilan para mapahinto rin ako.

"What you did, is wrong." mariing sabi nito.

"Sorry na nga, iyon kasi ang naisip kong paraan." nakasimangot kong paliwanag sa kaniya.

"Ang dumugin ako ng mga tao?" bakas ang inis sa boses niya.

"Sorry. Ano ba ang pwedi kong gawin para hindi kana magalit?" nakayukong tanong ko.

Saglit siyang natahimik, nagulat ako nang lumapit siya sa akin at gamit ang hinalalaki niya ay iniangat niya ang baba ko, para magkapantay kami at makita ko siya.

"Huwag ka nang sumimangot." paos ang boses nito, nanlaki ang mga mata ko ng dumukwang siya para halikan ako sa gilid ng labi ko. Pagkatapos no'n ay humiwalay siya at pinakatitigan ang mga mata ko.

Habang ako tulala at hindi makakilos dahil sa ginawa niya, napakurap kurap pa ako. Parang ayaw mag-sink in sa utak ko yung nangyari.

"Hinalikan mo ba ako?" mahinang tanong ko,

"Hindi pa halik ang tawag doon." may naglalarong ngisi sa labi na sabi niya, nag-init ang magkabilaan kong pisngi, isinubsob ang parehong palad ko sa mukha ko.

"Fish cake ka! Bakit mo 'yon ginawa? Kinuha mo ang first kiss ko. Para sa akin halik na iyon." naiinis kong sabi habang itinatago parin ang namumula kong pisngi sa kaniya.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa, dahilan para tanggalin ko ang pagkakatakip ng mga palad ko sa mukha ko.

"Halika na, bumalik na tayo sa loob." pag-aaya nito nang huminto na kakatawa, napasimangot ako. "Huwag ka nang sumimangot, at baka hindi lang iyon ang gawin ko sayo."

Dahil sa sinabi niya, gusto ko tuloy tumakbo palayo sa kaniya para itago ang mukha ko sa ilalim, pakiramdam ko isa na akong hino na hinog na kamatis.

Ang mas nakakainis pa, naghuhurumintado na naman ang puso ko sa kaniya, at parang may party party na nangyayari sa loob nang tiyan ko.

You Are My Enemy (COMPLETED)Where stories live. Discover now