KABANATA 21

109 9 46
                                    

[CHAPTER 21:]

'Rachel Amaris P.O.V'

Sabado ngayon at maginhawa na ako, dahil walang pasok. Great diba? Kasing great ng 10 am na paggising ko, at dahil doon naririnig ko na ang maala-speaker na boses ni mama.

"Rachel! Bumangon kana diyan o baka gusto mong buhusan pa kita ng tubig na malamig?!" malakas na sigaw ni mama, mula sa kusina.

Ganoon kalakas ang boses ng mama ko, sa palagay ko nga ay rinig ng buong barangay. Bumangon na ako sa pagkakahiga at nag-unat unat ng katawan, napahikab pa ako bago tuluyang tumayo.

Nakita ko ang repleksiyon ko sa salamin, gulo gulo ang buhok ko na parang tinirhan ng ibon, napapunas ako sa gilid ng labi ko dahil may magang laway. Isa ito sa problema ko pagkagising ko, palaging may tuyong laway sa gilid ng labi o pisngi ko. Yuck!

Lumabas ba ako ng kwarto ko humihikab na naglakad papuntang kusina kung nasaan sina mama pati narin ang kapatid ko.

"Magandang umaga!" masiglang bati ko, kita ko ang pagngiwi ni mama.

"Magmumug ka nga, walang maganda sa umaga kung ang magang laway mo sa pisngi ang bubungad sa amin." ako naman ang napangiwi dahil sa sinabi ni mama, naglakad ako papuntang lababo habang siya ay patuloy sa pagdadaldal, "Naku! Sinasabi ko sa'yo Rachel dalaga kana, tulo laway ka parin sa pagtulog."

"Hayaan mo na ang anak mo," rinig kong sabi ni Papa, at dahil doon sila ang nagsagutan. Napailing na lang ako bago naghilamos ng mukha at nagmumug. Nakakahiya naman kasi sa kanila!

Umupo ako sa katabing upuan ni Jek, kinuha ko ang isang hotdog sa plato niya dahilan para tignan niya ako at hampasin, "Mama ni si ate, kuha niya hotdog ko."

Kumagat muna ako sa hotdog bago ibinalik sa plato niya, "Oh ayan na hotdog mo,"

"Tigilan mo yang kapatid mo Rachel," sita ni mama, hindi ko na lang pinansin ang panenermon nila. Kumuha na ako ng sarili kong pagkain at nagtimpla ng kape.

"Ma, mamaya aalis ako may pupuntahan lang." paalam ko, habang kumakain parin kami. Mas mabuti ng mag-paalam ng maaga.

"At saan ka nanaman pupunta?" tanong nito, tumingin ako kay papa, para humingi ng tulong.

"Hayaan mo na yang anak mo, hindi naman 'yan siguro makikipagdate sa kung sinong lalaki, hindi ba anak?" halos masamid ako sa kinakain ko dahil sa tanong ni papa, ngunit tumango ako bilang sagot.

Kay Evan lang naman ako makikipagkita, pero hindi ibig sabihin no'n ay makikipagdate ako, inaya lang niya akong lumabas kami, 'yon lang yun, wala ng ibang dahilan hindi kami magdadate!


Ako ang naghugas ng plato, medyo natagalan pa ako sa paghuhugas dahil pinaglalaruan ko pa ang mga bula. Kung hindi pa ako sinigawan ni mama ay baka tanghali pa ako matatapos.

Bumalik ako sa kwarto ko at saglit na nagwalis at inayos ang mga gamit kong gulo-gulo. Nang matapos ay kumuha na ako ng damit ko sa damitan, isang jogging pants at kulay itim na plain na damit.

Kinuha ko na ang nakasabit kong tuwalya, pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto ko para pumuntang banyo.

Naligo na ako at pagkatapos ay tsaka narin ako nagbihis sa loob ng banyo, inilagay ko pa ang tuwalya sa ulo ko bago lumabas ng banyo.

Tumakbo ako pabalik ng kwarto ko at tinanggal abg tuwalya sa ulo ko. Tinignan ko ang itsura ko sa salamin, mabuti naman at hindi na ako tinutubuan ng tigyawat dati kasi hindi mabilang ang maliliit kong tigyawat.

You Are My Enemy (COMPLETED)Where stories live. Discover now