KABANATA 35

102 7 55
                                    

[CHAPTER 35:]


'Rachel Amaris P.O.V'


Sa wakas ay ngayon na rin ang araw ng labas ni papa, magaling na siya at pwedi na siyang umuwi. Thank God.

"Thankyou." mahinang bulong ko sa kaniya, nakatuon ang tingin niya sa daan habang nagmamaneho, nakaupo ako sa passenger seat habang si mama at si papa ay back seat. Nag-presinta si Evan na siya na ang maghahatid sa amin pauwi.


Saglit niya akong nilingon at nginitian, "Don't mention it." tugon niya, bumuntong hininga ako. Sa ilang araw na pamamalagi ni papa sa ospital paminsan-minsan ay bumibisita siya at sinasamahan akong magbantay kay papa.



Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala siya, mabuti na lang at hindi niya ako iniwan.

Mabuti na lang at sumabay ang walang pasok namin sa paglabas ni papa ngayon. Kaya isa rin sa dahilan kung bakit nakasama kami ni Evan sa paghatid kay papa pa-uwi.

Ilang araw na rin at graduation na namin. Haist! graduate na ako sa highschool, college na. Sana ay kayanin ko.



...

"Maraming salamat Evan sa paghatid sa amin, salamat." nakangiting sabi ni mama kay Evan, tinanguan lang siya ni Evan at bahagyang nginitian.

Naiwan kami ni Evan sa labas, ng maka-alis na sila ni mama at papa sa harapan namin ay tsaka ko siya hinarap. Bahagya akong ngumiti, hindi na ako nagulat ng lumapit siya sa akin at ipinulupot ang parehong braso sa kamay ko, mabilis niya akong hinalikan sa pisngi at pinakatitigan ako.

"You okay?" tanong niya, mabilis naman akong tumango bilang sagot.

"Oo naman, okay na si papa e, nakalabas na." nakangiti kong sagot, iniangat ko ang kamay ko at itinabi ang ilang hibla ng buhok niya na tumatabing sa noo niya. "Humahaba na yang buhok mo."

"Yeah?" patanong niyang sagot, natawa ako at hinalikan ang tungki ng kaniyang ilong.

"Samahan kitang magpagupit?" tanong ko, saglit siyang tumahimik na para bang nag-iisip, "Sige na, magpagupit ka na. Malapit nang graduation."

"Magpapagupit na ako." sagot niya ngumiti ako at  mahina siyang sinabunutan, malakas akong natawa dahil sa naging reaksyon niya.

"Tara na?" tumango ako, akmang maglalakad na kami palapit sa sasakyan niya ng marinig namin ang malakas na boses ni mama.

"Kayong dalawa, halina kayo at kakain na tayo ng tanghalian." sigaw ni mama, nagkatinginan kami ni Evan at sabay na natawa bago naglakad papasok ng bahay.

...

Kagaya ng sabi niya, ng sabi ko ay magpapagupit siya. Sira ulo ang kumag, kung hindi ko pa sasabihing magpagupit hindi magpapagupit?

Tinanguan ko siya at umupo sa kulay itim na mahabang sofa na nasa gilid ng barber shop. Nagsimula na siyang gupitan ng barbero, habang ako ay tahimik lang sa gilid habang pinapanoodan siya. Nakatagilid siya sa deriksyon ko, bumuntong hininga ako bago sumandal sa kinauupuan ko.

Sa maraming araw, linggo at buwan naming magkarelasyon marami akong natutunan at nalaman sa kaniya. Hindi ako nag-sisisi sa naging desisyon ko, masaya ako at wala akong pinagsisisihan. Sa pangalawang pagkakataon bumuntong hininga ako at tipid na ngumiti kahit na hindi ako nito nakikita... ang lumayo siya ay isang bagay na mahirap para sa akin.

"Okay na?" tanong ko bago tumayo sa pagkakaupo. Tumango siya, ikinawit ko ang braso ko sa braso niya bago kami sabay na naglakad palabas ng shop.

You Are My Enemy (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ