KABANATA 12

121 9 47
                                    

[CHAPTER 12:]

'Third Person's P.O.V'

"Come back here Ethan!" may banta at galit niyang sigaw sa kakambal na ngayon ay naglalakad na papalabas ng bahay.

Dahil sa sinabi niya ay tumigil ito at nilingon siya. "What now Evan? Wala rito sila mommy at daddy. Sasama lang ako sa mga barkada ko, there's nothing wrong with that."

"No, you will stay here. Mommy will get mad if she find out about this." walang emosyon ang mukhang sabi niya sa kakambal.

Wala ang mga magulang nila ngayon sa bahay nila dahil nasa manila ang mga ito at may inaasikaso, bukas makalawa ay babalik rin ang mga ito. At dahil wala ang mga magulang nila ay gustong samantalahin 'yon ng kakambal niya upang tumakas at gumala kasama ang mga kaibigan.

At paniguradong lagot silang pareho kapag nalaman ito ng mommy nila. Kung sa daddy lang nila ay ayos, ngunit kung ang mommy nila paniguradong kawawa sila sa parusa na ibibigay nito.

Ngunit sadyang matigas ang ulo ng kaniyang kakambal, kaya ito siya ngayon at nagpapakuya sa kapatid.

"Evan kagaya ng dati pagtakpan mo na lang ako." matigas na sabi ng kapatid umiling siya.

"No Ethan, you will stay here or I will call mom?" may banta ang boses na sabi niya dito. Napabuntong hininga ito, "I am your older brother, you will obey me."

"Tss, limang segundo lang ang pagitan natin kaya huwag kang umasta na parang limang tao ang pagitan natin." ismid ng kakambal niya, napangiwi si Evan. Well tama si Ethan, limang segundo lang ang pagitan nila.

"But still, you will stay here. That's final." mariin niyang sabi bago ito talikuaran at naglakad paakyat ng hagdan.

"Damn Evan!" rinig niyang palatak ng kakambal. Napailing na lang siya, bago binuksan ang pinto ng kwarto.

Pumasok siya sa loob bago isinara ang pinto, napabuntong hininga siya. Naglakad siya palapit sa book shelf na pagmamay-ari niya nandoon ang mga paborito niyang collection na libro. Kumuha siya ng dalawang libro pagkatapos ay dinala 'yon sa study table niya at umupo naman siya sa upuan.

Isinuot niya ang reading glass bago binuklat ang libro, kung ang kakambal niya ay mahilig gumala at makipagbarkada siya naman ay mas gugustuhin pang manatili sa bahay at magbasa na lang ng libro.

Nagsimula niyang buklatin ang libro at nagbasa pero hindi pa siya nakakalipat sa isang pahinang binabasa ay naiinis siyang huminto, hindi siya makapagconcentrate sa pagbabasa at dahil do'n naiinis siya.

Lumitaw sa isip niya ang namumutlang mukha ng dalaga, naalala na naman tuloy niya ang nangyari kanina. Ang tigas naman kasi ng ulo nito, sinabi na niyang huwag itong pumasok ay pumasok parin. Kung kaya nabinat ito.

Marahas siyang napabuntong hininga, nagtatalo ang isip at puso niya pupuntahan niya ba ang dalaga para bisitahin o hindi. Gabi na, ano namang gagawin niyang dahilan sa magulang ni Rachel?

Sa huli napagpasiyahan niyang tumayo mula sa pagkakaupo, hindi na siya nag-abalang magpalit pa nang damit. Lumabas siya ng kwarto at mabilis na bumaba ng hagdan, naabutan niya ang kakambal na prenteng nakaupo sa sofa na nasa sala habang abala sa pagkakalikot ng cellphone

"Stay here Ethan." aniya bago nagtuloy tuloy sa paglalakad, akmang pipihitin na niya ang pinto pabukas ng magsalita ang kapatid niya.

"At saan ka pupunta?" tanong nito sa kaniya.

"May pupuntahan lang ako." aniya bilang tugon, bago pinihit pabukas ang pinto.

Medyo may kalayuan ang bahay nila Rachel pero hindi niya 'yon alintana, nagpatuloy siya sa paglalakad, hindi naman madilim dahil may mga street lights sa daan at may mga kabahayan rin kung kaya hindi nakakatakot at hindi madilim kahit alasyete na ng gabi.

You Are My Enemy (COMPLETED)Where stories live. Discover now