KABANATA 13

132 7 56
                                    

[CHAPTER 13:]

'Rachel Amaris P.O.V'

Mabuti naman at magaling na ako, magaling as in totally magaling na hindi na ako nilalagnat.

Naglalakad na ako sa hallway papuntang classroom namin, ng makasabayan ko si Evan, FISHCAKE! As in si Evan.

Tumabi ako sa kaniya, "Woii, magandang umaga." nakangiti kong bati sa kaniya at mahina siyang siniko sa tagiliran.

Ewan ko ba, hindi na ako naiinis kagaya ng dati sa tuwing nakikita ko siya, pero naaalibadbaran parin ako kapag malapit siya at mas lalo akong naiinis kapag nakasimangot at palagi siyang poker face.

"Walang maganda sa umaga kung ikaw ang bumungad sa akin." masungit at walang emosyong sabi niya.

Napasimangot ako, "Sa ganda kong ito, nasasabi mo 'yan? At saka kung ako ang bumubungad sayo sa araw araw? Aba walang kasing ganda ang umaga mo."

"You're unbelievable. Hindi lang ang bangko ang kaya mong buhatin." puno ng sarkasmo niyang sabi, napairap ako sa hangin.

"Maganda talaga ako, walang aangal." ismid ko.

Napailing iling na lang siya at hindi na ako pinansin, snob na naman niya ako.

Magkasabay kaming pumasok ng classroom, deritso lang siya sa pwesto niya na para bang hindi niya ako kasama bago umupo sa sariling upuan, napasimangot ako.

May bipolar disorder ba siya? Parang kagabi lang e, nag-aalala siya at mabait sa akin pati narin sa kapatid ko pero ito siya ngayon at bumalik na naman sa ubod na sungit at malditong lalaki.

Umupo narin ako sa upuan ko at ipinagkrus ang parehong braso ko sa dibdib ko, napaayos ako ng upo ng pumasok sa loob ng classroom namin ang first teacher namin sa first subject.

"Good morning students. Sana ay maging maganda ang bungad ng ibabalita ko sa inyo." anito na may ngiti sa labi, mas lalong humaba ang nguso ko, may pobya na ako sa ganyan ng mga teachers.

"Sir siguraduhin niyong maganda talaga 'yan." rinig kong mahinang bulong ng isa sa mga kaklase ko.

"Sir, ano 'yon? Prom na ba?" malakas ang boses na tanong ng kaklase ko.

Umiling ang guro, "Mayroon akong dalawang iaanunsyo sa inyo ang isa ay good news ang isa ay hindi ako sigurado kung bad news ba sa inyo."

"Unahin niyo na 'yong good news, Sir."

"Hindi, yong bad dapat."

"Hindi, yong good."

"Sinabi ng bad news, eh."

Napailing iling na lang ako, ang ingay nila. Bakit hindi na lang nila pagsabayin- este hintayin ang sasabihin na anunsyo.

"TAHIMIK!" malakas na pagpapatahimik ng guro at ibinagsak pa ang isang libro. "Uunahin ko ang bad news. Ang bad news ay Monday na ang third quarter exam ninyo. At ang good news naman ay foundation day ninyo pagkatapos."

Nang matapos sabihin ng teacher ang mga anunsyo ay lahat kami ay saglit na natahimik, na parang nagproprocess pa sa utak namin ang mga narinig namin.

"Walang good news doon." sigaw ng isa kong kaklase,

Tama walang good doon.

"Mayroon," anang guro. "Maraming activities ang magaganap at kailangan lahat ng section grade level ay kasamang magparticipate. Ang hindi makikipagparticipate ay may bawas sa grade direct to the card." lahat kami ay napasinghap dahil sa sinabi ng teacher, ay wow galing nila mag demand.

You Are My Enemy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon