KABANATA 29

109 9 50
                                    

[CHAPTER 29:]

'Third Person's P.O.V'

Walang pagsidlan ang kabang nadarama ni Evan ngayon, kasalanan ito ng magaling niyang kakambal at ama. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil tinulungan siya ng kakambal niya at ng ama niya o mapapangiwi. Ayaw niyang gawin ang suhetisyon ng dalawa. Hindi kagandahan ang boses niya.

Harana. Iyon ang naisip ng ama at ng kakambal niya para gawin niya. Maganda raw iyon na gawin sabi ng kaniyang ama, proven and tested na raw ng ama niya dahil hinarana rin daw nito noon ang ina niya.

"Dad kayo na lang ang mangharana, hihintayin ko na lang kayong matapos. And then after that, I will talk to her." mahinang sabi niya.

Malapit lang ang kinarorounan nila sa bahay nina Rachel. May hawak siyang gitara, alam naman niyang tumugtog ng gitara kaya ayos na. Pero kinakabahan siya, isa ito sa eksena sa buhay niya na naging kabado siya.

"Anong kami? Hindi naman kami ang manliligaw." anang kakambal niya, matalim niya itong tinignan.

"Son, kaya mo 'yan nandito lang kami ng kapatid. Moral support." sabi naman ng kaniyang ama, malalim siyang napabuntong hininga bago tumango.

'I can do this.' bulong niya sa sarili.

Nagsimula na siyang naglakad habang nakasunod naman sa likuran niya ang kaniyang ama at kapatid, hindi ito alam ng mommy niya. Ayaw niyang ipalam, baka kung ano pa ang maging reaksyon nito.

Sa pang-limang beses na pagkakataon, bumuntong hininga ulit siya. Kumatok si Ethan sa pinto ng bahay nila Rachel, siya naman ay nagsimula ng mag-strum sa gitara.

...

Handa na si Rachel sa pagtulog, katatapos lang niyang gawin ang assignment niya na ibinigay ng teacher nila. Ipipikit na sana niya ang mga mata ng marinig niya ang pagkatok ng kung sino sa bahay nila at kasunod no'n ang pag-strum ng kung sino sa isang gitara.

Napakunot ang noo niya, "Fish cake, ano 'yon!?" mahina niyang bulong, matutulog na dapat kasi siya.

Ngunit natigilan siya dahil sa kasunod no'n, awtomatikong napabangon siya sa pagkakahiga, dahil sa boses na narinig.

'Uso pa ba ang harana?
Marahil ikaw ay nagtataka'

Kinakabahan si Rachel, hindi niya alam kung tulog na ba siya at nanaginip lang. Sinubukan niyang sampalin ang sarili pero napangiwi lang siya sa sakit dahil nalakasan niya, totoo nga. Gising siya at hindi na nanaginip.

Napalunok siya ng laway bago mabilis na tumayo at tumakbo palabas ng kwarto, naabutan niya ang mama at papa niya na nag-uunahan sa pagsilip sa bintana.

'Sino ba 'tong mukhang gago?
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba'

Hindi niya mapigilang hindi kiligin dahil hinarana lang naman kasi siya ng isang Evan Ramirez.

Sumiksik siya sa pagitan ng mama at papa niya, nagulat pa ang mga ito dahil sa hindi inaasahang pagsulpot niya.

'Meron pang dalang mga rosas suot nama'why
Maong na kupas
At nariyan pa ang barkada'

Hindi maiwasang hindi mapangiti ni Rachel, bahagya siyang natawa ng makita ang daddy ni Evan pati narin si Ethan.

'Nakaporma naka barong sa awiting daig pa minus one at sing along'

Napatitig siya kay Evan, seryoso itong kumakanta habang naggigitara. Nawala ang ngiti niya ng mapagtantong pinaggigitnahan pala siya ng mga magulang niya.

You Are My Enemy (COMPLETED)Where stories live. Discover now