KABANATA 8

133 9 46
                                    

[CHAPTER 8:]

'Rachel Amaris P.O.V'

Bakit gano'n masakit? Gusto ko nang umalis para hindi na makita ang nangyayari pero hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko na para bang napako na ang paa ko.

Ang sabi niya kahapon sabay kaming uuwi, pero hindi niya tinupad. At kanina ang sabi niya sabay kaming uuwi dahil hindi nangyari 'yon kahapon at nangako ulit siya.

Naghintay ako ng sampong minuto sa labas ng gate para hintayin siya kaso wala parin siya, kaya naisipan kong puntahan na lang siya sa classroom nila. Ang kaso habang naglalakad ako sa hallway, sa hindi kalayuan tanaw ko na siya. Tanaw ko na siyang may kahalikang babae.

Masakit, masakit sa puso. Alam ko namang babaero siya pero bakit niya ito nagawa habang kami pa?

Pero diba nga fling niya lang ako? Pero masakit kasi eh. Parang dinudurog yong puso ko habang nakikita sila.

Pinunasan ko yong luha na kumawala sa mga mata ko. Naglakad ako papalapit sa kanila, at malakas na tumikhim dahilan para maghiwalay sila at mapatingin sa akin.

"R-rachel." mahinang bigkas ni Ethan sa pangalan ko.

"Ethan ano ito? Anong ibig sabihin nito?" kinakabahan kong tanong habang patuloy sa pag-agos ang mga luha ko.

Sinugod ko yong impaktang haliparot na babae at malakas na sinampal. "Rachel!" malakas na sigaw ni Ethan, at inilayo sa akin ang babae.

"Ano Ethan siya pa talaga ang kakampihan mo? Ako ang girlfriend mo rito at hindi ang babae-." hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng putulin niya 'yon.

"We both know what a relationship we have Rachel, and it's nothing. Pinagbigyan lang kita dahil halos mag-makaawa kana sa akin. And you know me, wala akong sineseryosong babae. I want to stop this game between of us right now Rachel. Baka mas masaktan lang kita." anito na mas nagpaguho ng mundo ko.

Hindi pa ako nakakapagsalita ng maglakad na siya paalis at iniwan ako at ang kasama niyang babae, ngunit mabilis siyang hinabol no'ng babae. Iniwan niya ulit ako ng hindi man lang nakakapagsalita kagaya ng ginawa niya noon sa mall.

Nanghihina ang mga tuhod ko, bakit gano'n masakit? Hindi naman matagal ang pinagsamahan namin, hindi rin naman kami nakagawa ng maraming masasayang memories pero bakit masakit parin?

Yumuko ako para punasan ang luha ko, wala na ang mga kaibigan ko dahil nauna na silang umuwi kanina. Ngayon wala akong karamay. Parang tinatamad akong umuwi.

Maaga pa naman, marami parin namang mga estudyanteng kagaya ko dito sa school may teachers parin naman. Umupo ako sa bench na malapit sa field at tulalang pinagmasdan ang mga naglalaro ng volleyball.

Wala namang nakakaiyak sa mga naglalaro ng volleyball pero bakit hindi tumitigil yong luha ko? Ayaw magpaawat.

Umuulit ulit sa isip ko ang nangyari kanina at ang mga sinabi ni Ethan sa akin. Aware naman ako sa relationship namin, pero na hindi na niya kailangan pang ipamukha sa akin na kaya lang niya ako pinagbigyan dahil naaawa siya sa akin.

Yumuko ako dahil baka isipin ng makakakita sa akin na nababaliw na ako dahil umiiyak ako.

Natigilan ako ng may maramdaman akong umupo sa tabi ko, natigilan rin ako sa pag-iyak. Ganito yong nangyayari sa teleserye na napapanood ko 'yong umiiyak yong bidang babae tapos may uupong lalaki o dika ay may lalapit na lalaki at aabutan ng panyo ang babae.

Umaasa akong ganoon ang mangyayari pero ilang segundo na ang lumilipas wala paring inaabot na panyo ang tumabi sa akin kaya nakaramdam ako ng pagkairita at nag-angat ako ng tingin sa taong tumabi sa akin.

You Are My Enemy (COMPLETED)Where stories live. Discover now