KABANATA 10

140 9 51
                                    

[CHAPTER 10:]

'Rachel Amaris P.O.V'


"Hindi muna ako makikisabay sa inyo ngayong lunch." sabi ko sa dalawa na ngayon ay nakakunot na ang dalawang noo.

"At bakit?" sabay na tanong nila.

"Basta, next time na lang. Bye." paalam ko at mabilis na tumayo at iniwan sila sa loob ng canteen. Start pa lang ng lunch at hindi pa nag-iinit ang pwet ko sa upuan ng may maisipan akong dapat gawin, kaya hindi na lang muna ako mag-lulunch kasama nila.

Kasama kong tumakbo palabas ng canteen ang tinake-out kong pagkain. Mahirap talaga kapag curuios ka sa isang bagay hindi ka titigil hanggat hindi mo nalalaman ang gusto mong malaman.

Hinihingal akong huminto sa pagtakbo sumandal pa ako sa puno, nandito ako sa kung saan ko nakita si Evan ng araw na 'yon. Dito kaya siya naglulunch?

Inilibot ko ang paningin ko, wala naman siya dito, wala namang tao dito.

Ngunit natigilan ako ng may marinig akong tumikhim sa likuran ko at marinig ang pamilyar na baritonong boses ng isang lalaki. "What are you doing here?"

Natulos ako sa kinatatayuan ko at tulalang napaharap sa kaniya, kay Evan. May dala itong pagkain na nakabalot.

"Ah, bakit ikaw anong ginagawa mo rito?" tanong ko pabalik, mabuti na lang at hindi ako nautal.

Hindi niya sinagot ang tanong ko, hindi niya pinansin ang tanong ko bagkus ay naglakad siya palapit sa malaking tipak ng bato at doon umupo.

"Woii anong ginagawa mo?" tanong ko.

"What do you think?" sarkastiko nitong sagot na tanong,

Inirapan ko siya, "Pabalik balik lang? Ako ang nagtanong tapos sasagutin mo ako ng tanong?"

"Tsk."

Naglakad ako palapit sa kaniya at umupo sa katabing malaking tipak ng bato, katabi lang rin ng batong kinauupuan niya.

"So dito ka talaga tumatambay tuwing lunch?" tanong ko, at binuksan ang pagkaing dala ko.

"Yeah." tipid niyang sagot, itinapat ko sa kaniya ang isang pagkaing binili ko. "What's that?"

"Ano sa tingin mo? Balyena?" puno ng sarkasmo kong tanong, ito naman ang umirap.

"Are you giving that to me?"

"Hindi ba halatang oo? Binili ko kaya 'to para sayo." hininaan ko ang boses sa huling sinabi. Kinuha naman niya ang inaabot kong pagkain.

Susubo na sana ako ng pagkain nang matigilan ako dahil napatingin ako sa kaniya, nakapikit siya at taimtim na nagdarasal. Natahimik naman ako at nahiya kaya nagdasal rin ako bago kumain.

Pareho kaming tahimik na kumakain ng basagin ko 'yon. "Bakit mas pinipili mong dito kumain mag-isa?"

"It's peaceful here." sagot niya.

"Ayaw mong makihalubilo? O di kaya ay sumabay kay Ethan?, kakambal mo naman siya." sunod sunod kong tanong, umiling lang siya bilang sagot bago nagpatuloy sa pagkain, hindi ako sanay sa tahimik kaya nag-ingay ako.


"Wala ka bang kaibigan dito sa school? Ang tagal mo na dito diba?"

"I don't need friends." walang buhay na boses niyang sagot na para bang bagot na bagot na siya.

Napatango tango ako at hindi pinansin ang pagiging tamad niya sa pagsasalita, "Alam mo ba si mama madaldal pero si mama mo hindi, pero kita mo nga naman diba? Mag-kaibigan sila." natawa pa ako ng bahagya sa huli kong sinabi.

You Are My Enemy (COMPLETED)Where stories live. Discover now