KABANATA 27

101 8 30
                                    

[CHAPTER 27:]

'Third Person's P.O.V'


"Dad I think, I like her. I really do. Dad what should I do?" nakakunot ang noong tanong niya sa ama, kanina pa siya nag-iisip at gusto ng sumakit ng ulo niya, pero hindi pwedi.

Kaya heto siya nakikipag-usap ng masinsinan sa kaniyang ama, baka sakaling may maituro ito sa kaniya.

"Who she is?" tanong ng kaniyang ama, natigilan naman siya.

"Should I need to tell?" maang niyang tanong sa ama, mahinang tumawa si Elias, ang kaniyang ama dahil sa tanong niya.

"Ikaw ang bahala kong gusto mo sa aking sabihin, sino ba ang babaeng 'yan anak?" tanong ulit ng ama niya.

"Rachel." mahinang sabi niya, bago umiwas ng tingin.

"I knew it." napalingon ulit siya sa ama niya, dahil sa sinabi nito. Pinagkunutan pa niya ito ng noo.

"What?" tanong niya,

"Son, it's my instinct say. From the start, alam ko ng may gusto ka na sa kaniya. Ama mo ako, tandaan mo 'yan." nakangising sabi ng kaniyang ama. Tumango siya at bumuntong hininga, bago napahilot sa sentido.


"So dad, what to do? Ano ang dapat kong gawin?" pagtatanong ulit niya, hindi siya makakatulog hanggat hindi nasasagot ang tanong niya.

"Umamin kana ba sa kaniya?" tanong ng ama niya,

"Sinabi ko lang na, gusto ko siya. Iyon lang." sagot niya at nagkibit balikat pa.

"Iyon lang? Plain lang? Anak, hindi dapat gano'n. Paano na lang kung isipin niyang nagbibiro ka lang? Dapat pinaghahandaan mo iyon at hindi padalos dalos." anang ama niya na parang nangangaral.

"Kayong dalawa diyan, halina kayo at maghahapunan na tayo." pareho silang napatingin sa ina niya ng magsalita ito. Nagkatinginan silang mag-ama.

"Sweetheart, susunod na kami ni Evan." sabi ng ama niya, sa malambing na boses ngumiti pa ito, napangiwi na lang si Evan.
Tumango lang si Rina, ang kaniyang ina bago umalis.

"Okay ganito anak, itetext ko na lang sayo mamaya ang mga dapat mong gawin, basahin mong mabuti 'yon. Gano'n ang ginawa ko sa mommy mo dati kung kaya napasagot ko siya, iyon rin ang gawin mo para mapasagot mo siya." ngumiti pa ang ama niya at tinapik siya sa balikat, tumango naman siya at ngumiti.

May tiwala siya sa ama niya. Sabay silang naglakad papuntang kusina kung nasaan sina Ethan, Liel at kaniyang Ina.

Tumabi siya sa upuang kinauupuan ni Ethan, "Something's wrong?" tanong ng kakambal niya, umiling lang siya.

"Narinig ko ang usapan niyo ni Dad." nakangising sabi ni Ethan kay Evan, napatigil siya sa pagsandok ng pagkain dahil sa sinabi ni Ethan, napakachismoso talaga ng kakambal niya.

"Shut up, Ethan!" mariin niyang sabi, nagkibit balikat ang kakambal niya.

"Pwedi kitang tulungan." sabi pa nito, napabuntong hininga na lang siya.

"Tigilan niyo ng dalawa ang bulungan diyan, kakain na." sita sa kanila ng kanilang ina. Nagsi-ayos naman silang dalawa, parehong takot sa ina.

"They are talking something, that they don't want to share with us tita." nakangusong sabi ni Liel, isa pa itong pahamak.

Mabuti na lang at hindi uto-uto ang mama nila at hindi na pinakinggan si Liel.

Kahit busog pa siya, kailangan niyang kumain dahil paniguradong magagalit ang ina niya. Ang patakaran sa bahay nila ay kailangan sabay sabay silang lahat tuwing agahan at hapunan dahil hindi sila nagkakasabay kumain ng tanghalian.

You Are My Enemy (COMPLETED)Where stories live. Discover now