KABANATA 11

133 10 44
                                    

[CHAPTER 11:]

'Rachel Amaris P.O.V'


Kinaumagahan masama ang pakiramdam ko, literal na masama talaga dahil nilalagnat at sinisipon ako. Masakit rin ang ulo ko at halos hindi ako makabangon sa higaan.

Napatangin ako sa maliit na orasan na nakalagay sa kahoy na mesa na nasa tabi ko, ala syete na emedya na. Hindi ako makakapasok, paano na lang yan? Paano na lang yong project ko?

Malaki raw ang ambag no'n. Ilang sandali lang ay narinig ko na ang sigaw ni mama mula sa labas.

"Rachel bumangon kana, may pasok ka pa!"

Hindi ako sumagot, ipinikit ko lang ang mga mata ko at mas hinigpitan ang pagkakabalot ng kumot sa katawan ko, ilang saglit lang ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko at iniluwa nito si mama na may naiiritang mukha.

"Ma masakit ang ulo ko." mahinang sabi ko.

Lumapit naman ito sa akin at sinipat ang noo at leeg ko, "Anak ng tokwa! Ang init mo. Anong bang nangyari at nilalagnat ka?" singhal niya ngunit bakas ang pag-aalala sa tono ng boses niya.

Umiling lang ako, medyo masakit rin ang lalamunan ko dahil narin sa sipon ko. "Diyan ka lang kukuha ako ng gamot mo at lulutuan kita ng lugaw. Matulog ka muna." utos ni mama at lumabas ng kwarto ko.

"Oh anong nangyari?" rinig kong tanong ni papa sa labas, marahil ay tinatanong siguro si mama.

"Ayon nilalagnat." narinig kong sagot ni mama, umayos ako ng higa at natulog ulit.

Nagising ako ng marinig ko ulit ang boses ni mama, ginigising ako. "Bumangon ka, para makakain kana." utos nito.

Isinandal ko ang unan sa pader pagkatapos ay doon sumandal umupo naman si mama at inihipan ang kutsara na may lamang mainit na lugaw, iniihipan niya ito saglit bago isinubo sa akin. Medyo napangiwi ako ng sobra ang init nito.

"Tatawagan ko ang teacher mo, sasabihin kong hindi ka makakapasok." sabi ni mama ng masubuan ulit niya ako.

"Ma ngayong umaga lang ako hindi papasok, papasok na ako mamaya." mabilis kong sabi ng maubos ko ang lugaw na nasa bibig ko.

"Tigilan mo ako Amaris, may sakit ka hindi ka pweding pumasok." singhal nito, napasimangot ako at napaiwas ng tingin at napabahing, naging sunod sunod ang pagbahing ko.

Iniabot ni mama ang tissue na nasa tabi niya kaya kinuha ko 'yon. Nagpatuloy lang si mama sa pagpapakain sa akin ng lugaw hanggang sa maubos ko na ito, pinainom rin ako nito ng gamot.

"Ilalabas ko lang itong pinagkainan mo, kukuha rin ako ng bimpo at maligamgam na tubig para sayo." anito bago umalis daladala ang pinagkainan ko, medyo pinagpapawisan narin ako dahil siguro sa kinain ko at sa gamot na ininom ko.

Wala sa sariling napatingin ako sa bedside table ko at nakita ang panyo, hindi ko maiwasang hindi mapangiti ngunit agad rin akong napangiwi ng maalala kung bakit nasa akin 'yan ngayon.

Kahapon kasi ay napabahing ako habang papunta kami ng parking area kung nasaan ang sasakyan ni Evan, wala akong dalang panyo. Naging sunod sunod ang pagbahing ko kaya ibinigay niya ang panyo niya sa akin. Nakakahiya!

Nagtatalo ang hiya at inis ko sa kaniya, paano ba naman kasi, pinapangaralan pa ako kahapon habang nasa biyahe kami. Sinasabi rin niyang labahan kong mabuti ang panyong pinahiram niya, dahil daw may virus ako.

Nabalik ako sa kasalukuyan mula sa pag-iisip ng may maramdaman akong umupo sa tabi ko. "Jek, huwag kang lumapit sa akin. Baka mahawaan kita, doon ka!"

You Are My Enemy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon