"Inaantok na ko Yam.."

"Okay sige."

"Wag kang ma-disappoint. Sa honeymoon ako babawi."

Namula naman ako sa sinabi niya. Narinig ko ang tawa niya kaya nahampas ko siya sa braso. Hindi na ko nagsalita pa. Alam ko na pagod siya. Kinumutan ko siya at niyakap. Naramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko na nasa may tyan niya.

"Goodnight, I love you."

"Mas mahal kita.."

Masaya akong matutulog dahil sakanya. Nagising ako ng maaga. Nakayakap pa din ako kay Elmo. Ang sarap gumising kapag siya ang nakikita mo. Hindi ko maiwasan na mapangiti kasi naririnig ko ang tibok ng puso niya. Nakahiga kasi ako sa dibdib niya eh. Tiningnan ko siya. Ang himbing talaga ng tulog niya.

"Mahal kita talaga.."

Tumayo ako at ginawa ang morning rituals ko. Nakadress ako ngayon. Medyo kita ang loob kasi mag swimming ako mamaya. Hihintayin ko nalang magising si Elmo kasi sure ako magagalit yan kapag naligo akong mag-isa tapos naka two piece pa.

"Ma? Pa?"

"Oh anak? Magandang umaga." Bati ni Mama.

"Good morning din po."

"San ang punta mo?" Tanong ni Papa.

"Maglalakad lakad lang po. Kayo po ba?"

"Magpapahangin ako." Sabi ni Mama.

"Pupunta naman ako sa lobby. Magbabasa ako ng newspaper."

"Talaga Pa? Sabay na po tayo. Ma, pag nagising po si Elmo pakisabi nalang po na naglakad lakad lang po ako."

Tumango naman si Mama. "Sige anak."

Nakahawak ako sa braso ni Papa. Sabay kaming naglalakad papunta sa lobby.

"Nakita ko yung fireworks kagabi ah? Si Elmo ba ang may gawa nun?"

Napangiti naman ako. "Opo. Ang sweet niya po noh Papa?"

"Oo nga. Haha. Iba na talaga ang mga kabataan ngayon. May ibang way na sila ng pagpapakita ng pagmamahal sa tao. Sa panahon ko kasi nung nililigawan ko ang Mama mo nag-iigib pa ako ng tubig. Tapos nung naging kami naman, sumakay kami sa kalabaw at inikot yung farm sa may pampanga."

"Talaga Pa? Sweet din naman po yun ah?"

"Naku, hindi naman katulad sa ginawa ni Elmo. Halos buong kalangitan natakpan ng iba't ibang kulay na fireworks. Sabi nga ni Jac kagabi bago kami matulog, sana daw magkaroon siya ng boyfriend na katulad ni Elmo."

Natawa naman kaming pareho.

"Ang bata pa niya yun na naiisip niya."

"Ewan ko din ba. Haha. Teka anak, ano na pala ang mangyayari sa wedding niyo? Kelan na ba? After graduation na ba?"

Umiling ako. "Maaatras po ng kaunti. Kasi po Papa ang gusto ko po sana bago man lang kami ikasal meron din akong maiambag sa kasal namin. Ayoko naman po na si Elmo lang ang gagastos. Kahit pa sabihin pa natin na siya na ang pinaka mayaman sa buong asia, gusto ko po rin pong makatulong."

Tumango naman siya. "Nasabi mo ba ba yan kay Elmo? Okay ba sakanya?"

"Opo. Akala mo nga po hindi siya papayag."

"Mabuti naman at naintindihan ka niya. Pero anak ah? Tutulong din kami."

"Sige po Papa."

Nakarating kami sa may lobby. Naupo na si Papa dun sa sofa. Nagpaalam muna ako na maglalakad lakad lang ako. Tunay nga na maganda talaga ang beach dito. Ang ganda pa ng mga lugar na makikita mo. Dinama ko ang malamig na hangin. Ang sarap sa pakiramdam.

"Nakakarelax ba?"

Napatingin ako agad sa likod ko.

"Uhm..yeah.."

Lumapit siya sakin. Inabot niya ang kamay niya.

"I'm Liza."

Ngumiti ako. "Julie."

"Uhm, pwede ba kitang maaya mag coffee?"

"Yeah sure. Saan?"

Tinuro niya yung lumulutang na bahay kubo dun sa dagat.

"Sige."

Nagpunta kami dun. Mukha namang safe eh. Naupo kami. Nakatingin lang siya sakin.

"Thank you." Sabi ko din sa waiter.

Tiningnan ko si Liza.

"May dumi ba ko sa mukha?"

Umiling siya at natawa. "I'm sorry. Ang ganda mo pala talaga noh?"

"Sa..salamat. Ikaw din."

Ngumiti lang siya. "Gusto ko lang sanang mag thank you sayo."

"Para saan?"

"Sa pagdating mo sa buhay ni Elmo nung panahon na nasaktan ko siya."

Nakikinig lang ako sakanya.

"Maniwala ka man o hindi, alam mo ba na pinagdasal ko na sana dumating yung taong magpapagaling sa sugat na iniwan ko kay Elmo. Ang galing niya kasi narinig niya ang dasal ko, dumating ka sa buhay ni Elmo. Niligtas mo siya sa sakit na nararamdaman niya. Sa sakit na nadulot ko."

"Nagpapasalamat din ako sa Panginoon na dumating si Elmo sa buhay ko. So salamat din sa dasal mo."

"Alagaan mo si Elmo ah?"

Tumango ako. "Oo. Aalagaan ko talaga siya."

"Totoo ba na hindi pa kayo matagal ni Elmo?"

"Yes, pero mahal namin ang isa't isa. Yun naman ang importante diba?"

"Oo naman. Hmm, may gagawin ka ba? Gusto mo magkwento ako sayo tungkol sakanya? Kung okay lang sayo."

Nginitian ko siya. "Okay lang. Tulog pa naman ang mahal ko."

"Good. Para if ever gusto mo siyang asarin or what, at least may alam ka na."

Natawa naman ako. "Aasarin talaga?"

"Oo naman. Hahaha."

Mabait din naman pala si Liza. Mabait nga talaga siya. No wonder kung bakit siya minahal ni Elmo.

To be continued..

Love at First SightWhere stories live. Discover now