Twenty-fourth One

Start from the beginning
                                    

Napailing nalang ako. "Ayoko muna sana siyang kausapin pero dahil mapilit ka, sige na."

Yumakap naman siya sakin.

"Ikaw lang naman ang inaalala ko. Kung nakaya ko alam kong makakaya mo din. Ipakita mo sakanya na okay ka na. Na kaya mo na."

"Thanks Yam."

Bumalik na kami sa kwarto. Nagbanlaw at nagbihis na din ako. Nakahiga na si Julie at halatang inaantok na siya dahil sa buong araw na paglalaro nila ni Jac.

"Ngayon mo na ba siya kakausapin?"

Tumango ako. "Yes. Nagbago na ba ang isip mo? Okay lang sakin."

"No. Kailangan niyong mag-usap."

Bumangon siya at inayos ang buhok ko.

"Bumalik ka ah? Akin ka parin."

Dinikit ko ang labi ko sa labi niya.

"Sayo lang."

Pumunta na ko sa may isang resto. Dun kami magkikita ni Liza. Pag dating ko dun nakita ko siyang naghihintay habang umiinom ng shake. Lumapit ako sakanya. Agad naman siyang napatayo.

"Elmo."

Umupo ako. "Hi."

Umupo na din siya. "Salamat at pinagbigyan mo ang hiling ko na makausap ka."

"Wag kang magpasalamat sakin Liza. Kay Julie dapat. Kung hindi dahil sakanya hindi ako makikipag-usap sayo."

Napayuko siya.

"So anong gusto mong sabihin? Bakit kailangan mo pa kong makausap?"

Tumingin siya sakin. "Alam mo gustong gusto talaga kita makausap after nung nangyari. Gusto kong humingi ng tawad sayo. Alam kong napakalaki ng kasalanan ko sayo. Simula nung naging tayo wala kang pinakita sakin na masama. Halos kabutihan at puro pagmamahal lang. Naisip ko na kailangan makapag sorry ako sayo. Sorry kasi iniwan kita for Quen."

"Minahal mo ba ko?"

Tumango naman siya. "Maniwala ka man o hindi, minahal kita. Minahal kita pero hindi tulad ng pagmamahal na meron ako kay Quen. Kaya nga araw araw akong nag g-guilty. Ang sama sama ko lang."

Nakikinig lang ako sakanya. Nakita ko na naluluha na siya.

"Elmo, sorry talaga. Ayun lang ang kaya kong sabihin sayo. Sorry. Sorry. Sorry. Ayoko naman na ikasal ako na may samaan tayo ng loob dahil isa ka naman sa mga importante parte ng buhay ko. Ayoko na magalit ka sakin kahit na ang sakit ng ginawa ko sayo."

Naalala ko tuloy yung sinabi ni Julie kanina. Na gusto niya ikasal kami na wala na kaming problema. Na okay na ang lahat. Yun pala ang dahilan. Pareho sila ni Liza. Ang mga babae talaga. Mabuti nalang at nakinig ako sakanya. Tama naman kasi siya. Ako pa nag-udyok na mag-usap sila ni Kyle tapos ako hindi ko man lang magawa. Oras na nga siguro para patawarin ko na si Liza.

"Liza..pinapatawad na kita."

Bigla kong nakita na tumulo na ang luha niya.

"Talaga Elmo?"

Tumango ako. "Pareho kayo ni Julie. Gusto niya din na kapag ikinasal kami wala na kaming problema. Parang sinasabi niya na wala na dapat sakit sa puso ko, puro pagmamahal nalang."

Ngumiti naman siya sakin.

"She's an amazing girl."

"She is."

Pinunasan niya ang luha niya.

"Sabi mo ikakasal na kayo? Agad? Buntis ba siya?"

Natawa naman ako. "Nope. She's not pregnant but maybe soon. Kapag honeymoon na namin."

Love at First SightWhere stories live. Discover now