Chapter 39 - Whether You Like it or You'll Like it

Magsimula sa umpisa
                                    

 

"Ano?"

 

"Kung hindi pa namin narinig sa mga schoolamtes natin ay hindi namin malalaman. Isipin mo yun, alam na ng buong school tapos kami hindi pa." -Nica

"Oo nga. Kaibigan ka pa naman namin." - Ina

 

"Teka nga. Teka nga. Ano iyong sinasabi mong alam na ng buong school?"

 

"Na kayo ng dalawa ni James."

 

"ANOOOOOOOOOOO??????????"

 

Hindi ko na talaga napigilang mapasigaw. Iniisip ng lahat na boyfriend ko ang ungas na yun. LAHAT!!!!!!

"O.A sa gulat Diana ha. Ano bang ineexpect mo? Si James kaya yang boyfriend mo, natural malalaman ng lahat yun."

 

"Eto. Pakilagay ng bag ko sa mesa ko."

 

"Saan ka pupunta?"

"May kakausapin lang ako." sabi ko tapos tinalikuran ko na sila.

 

"Malapit na ang start ng klase..." - sigaw ni Ina

"Alam ko!!!!" sagot ko sa kanya

"Sabagay si James ang boyfriend mo kaya okay lang na hindi ka pumasok."

 

Sasagutin ko pa sana siya para sabihin sa kanya na mali ang narinig nila pero nakapasok na sila sa room namin.

Tsssk. Ang ungas na yun? Boyfriend ko? Urrrrrrggghhhhhhh. Kinikilabutan ako ah.

 

Pumunta ako sa palasyo ng prinsipe. Saan pa di sa recreation room. Kailangan kausapin ko siya. Hindi na maganda itong biro niya ah. Hindi na siya nakakatuwa. Well, hindi naman talaga ako natuwa sa kanya kahit kailan.

Dinadamay talaga niya ang buong school sa kalokohan niya.

Kumatok  na ako. Pero walang sumasagot. Pinihit ko ang door knob. Bukas. Pumasok ako sa loob. Kaya naman pala walang sumasagot. Walang tao.

 

Napabuntunghininga na lang ako. Minsan hindi rin talaga ako nag-iisip. Medyo maaga pa kaya malamang mamaya pa darating yun. Or baka hindi na talaga darating yun. Pumapasok lang naman kasi yun kung kelan niya gusto.

"Aisssshhh. Nakakainis talaga ang lalaking yun. Kung kailan kailangan saka hindi mahanap. Tapos kung hindi naman bigla na lang susulpot. Makabalik na nga lang sa room namin."

 

Nang makabalik na ako sa room namin ay nagsisimula ng mag lecture ang teacher namin. Lagot ako. Masungit pa naman si Mrs. Beceira. Ang math teacher namin. Dahan-dahan akong pumasok.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon