39

1.5K 31 4
                                    

Ilang araw ang lumipas simula ng Tagaytay trip namin magkakaibigan. Mas lalo lng kaming naging close dalawa ni Elysse dahil medyo lumuwag ang pagbabantay ng Kuya niya sa kanya. Maaring nakumbinsi niya ang Kuya niya na wala naman akong balak ligawan siya dahil ang alam niya ay wala akong gusto sa kanya.

Napangiti ako ng bahagya ng makita ko siyang nakaabang sa pwesto kung saan lagi siyang nag-aabang. Kasama niya ang kaibigan niya at mukhang may malalim silang pinag-uusapan. Napalingon ang dalawa sa akin habang patungo ako sa gawi nila. I usually felt uncomfrtable when people is watching but I don't know why my heart is fluttering habang palapit ako sa kanila.

"Wala na kayong klase?" bungad na tanong ko paglapit ko sa kanila. Umiling siya bilang sagot at pinakilala ang kaibigan niya kahit alam ko naman ang pangalan nito dahil katulad niya Pauline is quite popular in the campus. Inilipat ko ang tingin ko kay Elysse matapos naming magkakilanlan ni Pauline at namuo ang awkward na atmosphere sa pagitan naming tatlo.

"Nandyan na pala sundo ko, Elysse. Kita nalang tayo bukas." basag sa katahimikan ng kanyang kaibigan.  Agad itong nagpaalam sa kanya at tumakbo palayo sa amin.

"Parehas kayo ng kaibigan mo. Weird." komento ko ng makalayo na ito sa amin. Nakita ko naman ang pagtaas niya ng kilay sa sinabi ko.

"Weird ka din kaya." patol niya. Agad akong tumalikod at lumayo sa kanya dahil hindi ko mapigilan ang pagkatuwa sa interaksiyon na meron kaming dalawa. "San ka pupunta?" rinig kong tanong niya.

"Uuwi na. May kailangan pa akong tapusing plates eh." saad ko at napatingin naman ako sa mga mata niyang masyadong expressive kung ano ang nararamdaman niya. I suddenly feel worse seeing her disappointed or sad with what I said. Kaya para mawala ang nakakatakot na nararamdaman ay agad ko siyang nilapitan at ginulo ang buhok niya bago ilapit ang mukha ko sa kanya.

Agad akong nagsisi sa ginawa ko dahil unti-unting lumakas ang tibok ng puso ko. I took time to memorize her face as if ano mang oras ngayon ay mawawala siya sa harap ko. Naramdaman ko ang dahan dahan niyang pagtulak sa akin, still enthralled by her beauty, I didn't even heard what she's saying. Palihim akong bumuntong hininga at tumayo ng tuwid pero traydor ang nararamdaman ko kaya hindi ko naiwasang hindi matawa ng bahagya.

"Anong nakakatawa?" utal niya na mukhang nawiwindang parin sa nangyari kanina. Huwag kang mag-alala ako rin hindi pa makarecover.

"Wala. Paalam ka sa kuya mo. Samahan mo ko sa cafe diyan sa tapat tatapusin ko yung plates mo. Ihahatid kita pagkatapos." pag-iiba ko ng usapan. Agad ko siyang tinalukuran at nagsimula ng maglakad ng mapansing hindi pa siya sumusunod ay nilingon ko siya.

"Are you coming or not?"

.

Lumipas ang mga araw at ganon lagi ang gawi namin dahil laging nauunang matapos ang schedule niya sa hapon ay lagi siyang naghihintay sa akin. Noong mga unang linggo ay medyo naiilang ako dahil hindi ako sanay na ako ang hinihintay and I also feel guilty for not telling her what I feel kahit alam ko sa sarili ko na gusto ko siya. Marahil dahil sa unang pagkakataon ay natatakot ako.

Sa unang pagkakataon, gusto kong patagalin ang ganitong ugnayan namin dahil naduduwag ako kung anong mangyayari kapag umamin na ako sa kanya. Kung hindi si Elysse ang kasama koay marahil nakagawa na ako ng plano kung paano ko siya mapapasagot. Pero ibang iba ngayon, inuunahan ako ng pagkatakot ko na alam kong kapag ipinagpatuloy ko ay maghahari ito sa buong sistema ko.

"Someone told me you are coourting someone, Kuya." saad ni Isla isang araw sa akin.  Narito ulit sila sa bahay para sa dinner namin. Busy ako sa pagtatapos ng final touch ng plates ko sa sala ng sumulpot ang nakababata kong pinsan.

"Saan mo na naman narinig yan?" tanong ko at pinagpatuloy lang aang ginagawa ko.

"People talk, Kuya. Lagi daw nila ikaw nakikitang may kasamang law student. New girlfriend?" pag-uusisa niya.

Desired (Montenegro Series #3)Where stories live. Discover now