28

1.2K 27 2
                                    

Halos hindi naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko matapos akong ipakilala ni Jake sa kanya. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin o sabihin. It's been two years since I met him at dahil sa pagtatagpo naming ito ay parang naglaho ang dalawang taong iyon.

Why now?

I can't help but to ask myself and fate. Bakit kung kailan sa tingin ko ay maayos na ako at ayaw ko na ng may gugulo pa sa buhay ko ay bibigyan ako ng ganito?

I wanted to run and never return. But I know na hindi ito makakabuti sa akin kung gagawin ko ito. He is one of the sought after architect all over the world at isang napakalaking deal ang nangyari sa kanila ni Mr. Legaspi. I don't want to ruin this because of my personal issues.

He looks the same but somehow different. Mas naging mature ang mukha nito at mas lalo mong masasabi na isa siyang Montenegro dahil sa itsura niya. They have a distinct look kasi na masasabi mo na kamag anak nila ang isang tao. He also looks taller and more leaner compared before. It just means na pinangangalagaan niya ang katawan niya ngayon.

Ganon parin ang style ng buhok niya na sa tingin ko ay mas lalong bumagay sa itsura niya ngayon. Not that hindi siya gwapo noon. Mas lalo lang itong nadefine.

I can't help but to also stare at his eyes. Wala itong pinapakitang emosyon habang nakatingin sa akin. Hindi ko rin malaman kung ano ang nararamdaman ko but I know that I feel sad.

"Elysse?" tawag sa akin ni Jake at agad naman akong napalingon dito. Bakas sa mga mata niya ang pag-aalala kaya nginitian ko naman siya.

"Are you okay?"

"Y-yes." maikling sagot ko at binalik ang tingin ko sa lalaking nakatingin parin sa akin hanggang ngayon.

I need to get myself together and act civil and professional. After all, he is my boss and he hired the company that I intern for to do this project. Kailangan kong ilagay sa pinakadulong bahagi ng utak ko ang kung ano mang nangyari sa aming dalawa.

"Sorry for that. Hi, my name is Elysse Soriano. Nice meeting you." sabi ko sabay lahad ng kamay sa kanya. Nginitian ko siya at nakita ko ang paglipat ng tingin niya sa mga kamay ko.

"Let's get to business." seryosong saad nito at sandaliang kinamayan ako. Tinalikuran niya kami at naglakad palayo. Agad naman namin siyang sinundan ni Jake at pumasok sa isang make shift na opisina.

.

I look around the office at namangha sa natuklasan. His office isn't grand and there's nothing special about it. Probably dahil hindi naman ito ang permanente niyang opisina. Nandito lang siya sa site to see kung ang planong ginawa niya ba ay nasusunod at kung may mga adjustments na kailangang ipaconsult sa kanya na siya namang icoconsult niya sa kliyente.

Iginiya niya sa amin ang upuan sa harap ng isang mahogany table at napansin ko ang iilang litrato na nakalagay dito. May litrato ng pamilya nila, litrato niya at litrato niya kasama ang isang babae.

"How is the Philippines so far? I heard na galing kayong States." tanong niya ng hindi tumitingin sa akin. As if hindi ako kasali sa usapan nila ni Jake.

"Medyo nag-aadjust pa sa oras but I think I will get used to it." sagot ni Jake at lumingon sa akin. Ngumiti lang ako at hindi nagsalita dahil mukhang hindi naman interesado ang nagtanong sa kung anong isasagot ko.

"I hope so. I am very strict when it comes to work schedule. Ayoko ng may nalalate ng walang dahilan. If ever that you are going to be late because of something, please tell it immediately." sabi niya at sabay kaming tumango ni Jake.

Madami pa siyang sinabi na rules at hindi ko maiwasang hindi kabahan sa mga ito. Halos lahat ng sinabi niyang rules ay maiaapply ko sa sarili ko but I know that I already grow out of that habit but I can't help but to feel pressured and scared.

Desired (Montenegro Series #3)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant