36

1.3K 35 0
                                    

Nakaupo ako sa isa sa mga bench dito sa NAIA habang nag-iiscroll sa cellphoneko para hindi maburyo dahil hinihintay ko ang pagdating nila Mommy at Daddy dito sa Pilipinas. Medyo napaaga nga ako dito dahil nakisabay lang ako kay Kuya. Nilingon ko ang malaking board na nagsasaad ng mga flights na parating at nakitang malapit ng mag-arrive ang mga magulang ko.

Sabay silang uuwi dito sa Pilipinas dahil napagpasyahan kong magkaroon ng kaunting salo-salo sa bahay namin para sa kaarawan ko bukas. Nag-imbita lang ako ng kaunting tao dahil hindi na naman ako sanay sa magarbong handaan at party. Kung siguro ay bata pa ako, I will opt for a bigger and grander party like in a club or a restobar but some events makes you grow up faster.

Dapat ay nung isang araw pa sila dadating ditto ngunit hinintay pa ni Mommy si Daddy na galing ng Japan para sa natitira nitong trabaho bago magbitiw na sa trabaho. Ako ang napag-utusang sunduin sila dahil may importanteng hearing si Kuya ngayong araw at hindi ito pwedeng ipagpaliban. Besides, I want to fetch din naman dahil namiss ko ang presensiya nilang dalawa.

Nagpaalam ako kay Jake na aabsent ako ngayong araw para masabi niya kay Mr. Legaspi at syempre kay Dale na siyang boss ko dito sa proyektong ito. Pinayagan naman niya akong lumiban dahil isang araw lang naman ito at kaunti na lang naman ang dapat tapusin sa site. May iilang kwarto pang need na tapusin, ang restaurant sa 2nd floor at ang iba pang ameneties na inoofeer ang hotel na tinatapos namin para sa mga guests.

Ilang araw ding wala si Dale dahil may kailangan siyang asikasuhin sa Romblon kasama ng pinsan niyang si Kuya Salem. Sa loob ng mga araw na iyon ay nagkaroon ako ng pagkakataong ieevaluate kung ano ba talaga kami. He didn''t say anything but he is showing me something and I am not blind to not see it. Gustuhin ko mang pagtuunan ng pansin ang mga kilos niyang iyon pero alam kong natatakot akong alamin kung ano ang nararamdaman ko tungkol dito.

Ilang saglit lang ay may nagsalita na sa intercom na dumating na ang sinasakyang eroplano ng magulang ko galing Japan. Niligpit ko ang gamit ko at ipinasok ko ito sa aking bag para nakaready na ito kung sakaling magsilabasan na ang mga pasahero ng flight nila Daddy.

Ilang minuto pa akong naghintay bago ko nakita ang likod ni Daddy na inaayos ang bagaheng dala niya at ni Mommy. Tumayo na ako at lumapit sa kinaroroonan nila. Sumilay ang maawak na ngiti sa mukha ni Mommy at agad binaawasan ang distansya na meron sa aming dalawa. Niyakap niya ako at niyakap ko din siya pabalik.

"I've miss you, anak. Sobrang nakakalungkot sa States lalo na at hindi kita nakikita na nagtatabaho sa cafe tuwwing weekends." malungkot na saad ni Mommy pagkahiwalay namin mula sa pagyayakapan.

"I miss you too, Mommy. Malapit narin naman po matapos ang internship ko kunting furnishing na lang ang kailangan at makakabalik na rin ako sa States." may pag-aalinlangang saad ko at tumango naman siya bilang sagot sa akin.

There's a part in me that doesn't want to go back because of certain reasons I am afraid to acknowledge. However, there is a bigger part in me that wants to go back to finish what I started habang nasa ibaba ako and I know na ang path na iyon ay magbibigay sa akin ng self-satisfaction.

"Ang Kuya mo?" tanong ni Daddy ng lingunin ko siya para batiin. He hugged me back bilang pagbati din sa akin.

"May importante daw pong hearing na kailangan niyang daluhan ngayong araw kaya hindi siya nakasama." pagbabalita ko sa gagawin ni Kuya. Tinulungan ko naman sila sa kanilang bagahe at ng malapit na kami sa gate ay agad naman kaming tinulungan ng bodyguard na kasama ko at ang driver namin.

"How about you? Don't you have work to do?" tanong ni Daddy sa akin habang inaalalayan si Mommy pasakay ng van. Sumunod naman ako bago pumasok si Daddy at sinara na ng bodyguard ang pintuan.

Desired (Montenegro Series #3)Where stories live. Discover now