37

1.4K 38 2
                                    

Nang matapos ang shift ko ay agad nagsimula ang kaba na kanina ko pa iniignora. Pilit kong inabala ang sarili ko buong araw sa pamamagitan ng pagfocus sa pagdedesign ng mga natitirang kwarto para lang hindi sumagi sa isip ko ang sinabi niya sa akin kanina.

I want to ask him immediately kung ano ang ibibigay niya sa akin dahil ayaw kong binabagabag ako nito but umalis din siya kaagad sa site kaninang lunch.

He texted me and inform me that he has an urgent trip to Puerto Galera to attend to his Kuya's requests.

Sabay kaming bumaba ni Jake na kanina pa hingi ng hingi ng paumanhin sa akin. Inimbitahan ko kasi siya sa bahay ngunit tumanggi naman siya dahil may pupuntahan daw sila ngayong araw ni Janella.

"Pasensya ka na talaga, Elysse ah. Napag-usapan na kasi namin 'to ni Janella eh." saad niya sa akin ulit ng bumukas ang pinto ng elevator.

I saw Dale talking to someone on the phone sa pwesto kung saan ko siya laging nakikita simula ng ihatid sundo niya ako.

"Ano ka ba, Jake. Ayos nga lang. Okay na yung pa-leche flan ni Janella sa akin." sabi ko at tumango naman siya.

I started to fiddle with my hands habang pinagmamasdan si Dale na tinakpan naman ng katawan ni Jake.

"Kanina ka pa balisa." puna ni Jake sa kinikilos ko. I apologetically smiled at him.

"Anong meron?"

"Wala, I just suddenly feel nervous. That's all, don't mind me." kumbinsi ko sa kanya at tumango naman siya.

It warms my heart that Jake cares about me. Para siyang naging pangalawang Kuya ko nung nasa States ako kaya masaya ako dahil nakilala ko siya.

"Okay. Babawi nalang kami. Malay mo mauna ka pang ikasal sa amin." biro niya hinampas ko naman ang kanyang braso na siyang ikinatuwa ng mokong. Hindi manlan ininda ang hapdi ng pagkakahampas ko.

"Baliw ka. Umalis ka na at naghihintay na siguro sayo si Janella." pagtataboy ko sa kanya habang tinutulak siya.

"Happy Birthday ulit, Elysse!" sabi niya habang palayo sa akin at ako naman ay papunta sa lugar kung nasaan si Dale.

Hinintay ko siyang matapos sa pakikipagusap sa telepono bago ko ipinaalam ang presensya ko.

"Hi." I smiled shyly and he smiled back at me.

"Hi." sagot niya naman sa akin.

Lumawak ang ngiti ko nga mapagtanto na para kaming nagbalik sa high school sa ginawa namin. You know, the little hi and hello to your crushes.

"Why?" tanong niya at umiling naman ako.

"Did you wait long?" tanong ko sa kanya.

"Hindi naman. I just got here." saad niya at tumango naman ako.

"How's your trip to Puerto Galera?" casual na tanong ko.

"It's fine. Kuya Ajeer just asks me to bring the design for the resort he is working on." sagot niya at tumango naman ako.

Nanahimik kaming saglit na pawang ineenjoy ang presensya ng isa't isa. I can feel my heart starting to beat frantically.

"Well, tara na? I wouldn't want to take so much time." putol niya sa katahimikan at agad na siyang sinundan patungong parking lot.

.

We talked about random things on the way to his condo. Mabuti na lang ay ginawa niya iyon dahil kung hindi ay mababalot na naman ng kaba ang buong sistema ko. Also, its a good way to distract me from thinking way too hard kung bakit niya ako aanyayahan sa condo niya.

Desired (Montenegro Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon