25

1.3K 28 1
                                    

Halos manlamig ang buong katawan ko ng makita ko ang isang pamilyar na mukha. I want to run away and pretend that I didn't met him or he didn't met me. Dahil hangga't maari ay ayaw kong may makaalam kung nasaan ako ng kahit sino sa nakalipas na dalawang taon, Pauline and Vaughn are the only exception. Iniwas ko ang tingin ko at humingi ng tawad bago umalis sa harapan niya.

"Wait." saad nito at hinawakan ang braso ko. Tiningnan ko ito at agad naman niya itong binitawan. "It's nice to see that you're fine." sabay ngiti niya sa akin.

"Daddy!" rinig kong sigaw ng isang batang babae at nagmamadali itong lumapit sa amin. Yumakap ito sa binti niya at tiningnan naman ako nito. Nahihiyang nagtago ito sa likod ng binti ng ama.

"Nga pala, Elysse this is my daughter Q-" naputol ang sasabihin nito ng may tumawag sa bata at namukhaan ko naman ito ngunit hindi ko maalala kung anong pangalan nito. Gusto ko mang umalis sa harapan ng mag-ama ay tila napako ako sa kinatatayuan ko dahil may parte sa akin na gustong malaman ang nangyari sa kanya. Sa kanila, specifically at oo, kasama si Dale don.

"Quinn, I told you to not run like that." mahinahong pagalit ng Mama ni Quinn sa bata. Inangat niya ang tingin at kita sa mga mata nito ang pagkabigla. I am also surprised to see Imee Hernandez with a child and Kian Montenegro.

Agad akong nagtaka kung anong nangyari matapos ng umalis ako. Pauline didn't told me that Kuya Kian and Ate Imee ended up together and is now living in the States with apparently, a child. Sa pagkakaalam ko before, Kuya Kian is pursuing Ate Irish before, because I met them once. Maybe things didn't work out between the two of them and I don't want to get myself in that.

Ganon na ba katagal ang pamamalagi ko dito sa States at nagkaroon na agad sila ng pamilya. I am happy for them hindi ko lang akalain na mukhang naunang magkaroon ng pamilya si Kuya Kian. Siya kasi yung tipo ng lalaking gustong mag-explore and live the best of his life but maybe this path is meant for him.

"Elysse, you look good.  How are you?" bati ng babae at siniko-siko si Kuya Kian. I smiled at them before deciding to reply. Masyado na naman akong bastos para hindi kibuin silang dalawa.

"Hi, Ate Imee. It's nice seeing the both of you din po." magalang na sambit ko. Napatingin naman ako kay Kuya Kian na nakatingin sa akin na parang nahihiwagaan. Yung tingin na maraming tanong pero hindi niya alam kung paano itatanong o kung paano ako kakausapin. Kung hindi pa siya kinurot sa tagiliran ni Ate Imee ay hindi ito magsasalita.

"Yeah, right. This is Quinn, our daugther." pagpapatuloy niya sa naaudlot niyang pagpapakilala sa anak niya sa akin. Kumaway naman ang bata at nagtago muli sa likod ng binti ni Kuya Kian.

"Hello, Quinn." bati ko. "Are you finding a seat po ba?" tanong ko dahil customer pa rin naman sila at kailangan ko pa rin silang asikasuhin bilang isa sa mg nagmamanage ng cafe shop.

"Yes, medyo puno nga ngayon eh. We're a regular here dahil gusto ni Quinn ang lasa ng croissant dito." sagot ni Ate Imee with a smile on her face. Maybe things change but Ate Imee is still the person na masasabi mong deserve ang Miss Intramurals noon dahil sa angkin nitong kagandahan na hanggang ngayon ay wala pa ring kupas.

"Let me escort and find you a seat." sabi ko at tumango naman sila. Bago ako magsimulang maglakad ay nakita ko ang paghawak ni Kuya Kian sa bewang ni Ate Imee at may binulong ito dito pagkatapos nito ay binuhat niya si Quinn.

Hinanapan ko sila ng bakanteng upuan at kumuha ng menu na nakalagay sa rack na malapit sa upuan ng mga ito.

"Ikaw ba ang may ari nito?" tanong ni Kuya Kian nang maayos niya ng mapaupo ang anak. Umiling naman ako sa tanong niya.

"No po. My mom run this place because she decided to be here with me. I'm currently taking a degree in interior designing right now at tuwing weekends lang ako tumutulong dito." sagot ko at tumango naman sila.

Desired (Montenegro Series #3)Where stories live. Discover now