18

1.2K 33 3
                                    

Lumipas ang mga buwan at patuloy pa rin sa panliligaw sa akin si Dale. Siguro mga tatlong buwan na siyang nanliligaw sa akin at wala naman siyang sinasabi tungkol don. Pero minsan hindi ko maiwasang maisip na naiirita na siya o masyado siyang nababagalan sa kilos ng relasyon naming dalawa. Pero alam kong ako lang ang nag-iisip non.

I will admit that nagdoubt ako nung una sa intensyon niya dahil hindi pa rin ako makapaniwala na manliligaw ko ang isang Dale Montenegro. Isa rin yan sa dahilan kung bakit hindi ko pa siya masagot sagot pero hindi naman niya ako masisisi ng ikwento ko sa kanya yung mga karanasan ko noon.

But his intentions were clear to me nang pauli-ulit niya akong nirereassure na gusto niya ako at hindi siya napipilitan sa ginagawa niya. He always finds a way to assure me that he is serious and he wants to have a relationship with me despite the age gap.

Kunti pa lang ang nakakaalam na nanliligaw sa akin. Hindi dahil sa nahihiya siya na nililigawan niya ako pero dahil gusto niyang okay at komportable ako kapag may pagsabihan kami sa relasyon naming dalawa. Tanging si Pauline, Isla at Vaughn palang ang nakakaalam ng ginagawa niyang panliligaw.

Nandito kami ngayon sa isang cafe shop na lagi naming at nag-aaral para sa finals. Last day na kasi bukas ng exams namin at bakasyon na. Katabi ko siya at busy siya sa pagbabasa ng paper sa isang major subject niya.

Tiningnan ko siya at ibinalik ang tingin ko sa makapal na binder na meron ako. Pero hindi makalma ang utak ko sa kakaisip. Tiningnan ko ulit siya pabalik at kinagat ang labi ko.

Ayaw ko siyang istorbohin sa pag-aaral niya kaya pinipigilan ko ang sarili kong guluhin siya.

"What is it, Elysse?" tanong niya sa akin at ibinaba niya ang papel na hawak niya.

"Wala wala. Mamaya nalang pagtapos nating mag-aral." sabi ko habang umiiling at ibinaling ang tingin ko sa binder ko.

"Just tell me already." seryosong sambit niya at bumuntong hininga naman ako.

"It's been 3 months since you started courting me and si Isla, Vaughn and Pauline pa lang ang nakakaalam." panimula ko at tumango naman siya na parang sinasabi na ituloy ko ang gusto kong sabihin.

"Can we tell Kuya about you courting me na?" tanong ko at hinintay ko ang sagot niya. Nakita ko sa mukha niya na nag-iisip siya ng isasagot sa akin.

"Kahit hindi naman ngayon like a week from now or a month from now.  Naisip ko lang kasi masyado ko ng tinatago kay Kuya yung panliligaw mo sa akin baka mas lalong magtampo sayo si Kuya. Pero ikaw, kelan ka komportable." sabi ko ng medyo tumatagal na ang pagiging tahimik niya.

"I'm fine this Friday. Tapos na naman ang finals bukas. And you're right, I've been prolonging this. I should've told your Kuya bago pa ako nangligaw." suhestiyon niya at nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Dahan dahan akong tumango.

"I'll tell Kuya about it tomorrow after exams. Tetext nalang kita tomorrow. You have a project to finish diba?" tumango naman siya at bumalik na ako sa pag-aaral ko.

Kahit siya ang nag-suggest ng petsa para ipaalam namin kay Kuya na nanliligaw siya, nakikita ko parin ang pag-iisip niya dito dahil hindi na siya makapokus ng maigi sa pag-aaral niya.

I should've told him after naming mag-aral. Bobita.

.

Hinihintay kong matapos si Kuya sa exams niya ngayong araw. Tinext ko kanina si Dale na tapos na ako sa exams namin at hindi pa ito nagrereply. Paniguradong nag-eexam pa ito. Nakaupo ako sa waiting area at pinagmamasdan ang sapatos ko.

"Ready ka ng umuwi?" tumingala ako at nakita si Kuya. Tumango ako atsaka tumayo.

"Hindi kayo magkikita ngayon ni Dale?" tanong nito at umiling naman ako.

Desired (Montenegro Series #3)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ