16

1.2K 39 5
                                    

"Hi." sambit niya sabay ngiti sa akin na mas lalong kinagwapo niya. Matagal na namang gwapo ito pero ewan ko ba tuwing ngumingiti ito ay mas lalo itong gumagwapo. Siguro isa ito sa mga nagustuhan ko sa kanya yung mga ngiti niyang nakakahumaling.

Ngumiti ako at agad na lumapit sa kanya para yakapin siya. Tila bumagal naman ang takbo ng mga nasa paligid ko at ang focus ko lang ay kaming dalawa ni Dale. Wala na akong pake kung aasarin ako mamaya ni Pauline at ni Vaughn dahil sa ginawa ko o kung pinagtitinginan kami ng mga tao sa paligid namin.

Sobrang saya ng nararamdaman ng puso ko. Yung tipong parang may naachieve kang isang bagay na sobrang pinagpaguran mo tapos maiiyak ka nalang sa tuwa sa naging resulta nito. Ganong feeling ang nararamdaman ko ngayon.

Naramdaman ko naman ang pagdantay ng mga braso niya sa balikat ko at sinuklian ang higpit ng yakap na iginawad ko. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at unti unti naman akong kumalas sa pagkakayakap namin. Hinampas ko ng mahina ang braso niya kaya napadaing ito.

"Para saan yun?" natatawa niyang saad. Inirapan ko siya at pinunasan ang luha na hindi ko namalayang tumulo pala.

Hindi ko siya sinagot kaya lumapit siya ng kaunti sa akin at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Agad naman akong umiwas ng tingin sa kanya at yumuko.

"Hindi ko alam na iyakin ka pala." rinig kong bulong nito kaya natawa naman ako ng bahagya. I looked up at him and he motion the bouquet of flowers in front of me.

"Ano naman to?" tanong ko at tinanggap ito mula sa kanya.

"Bulaklak yan, Elysse." pilosopong sagot niya kaya inirapan ko naman siya. Pinunasan niyang muli ang basa kong pisngi habang nakatingin ng diretso sa mukha at mata ko.

Sobrang dami ng emosyon na ipinapakita ng mga mata niya kaya hindi ko madepina kung alin talaga dito ang totoong nararamdaman niya.  Ibinaba niya ang mga kamay niya at nginitian akong muli.

"I just thought of giving you flowers. Atsaka tagal din nating hindi nagkita eh." sabi niya at tumango naman ako bago nilingon ang mga kaibigan kong may mga nakakalokong ngiti sa mukha.

"Musta, pre." bati ni Vaughn at nakipag-kamay kay Dale na hindi man lang nag-effort para abutin ang kamay ni Vaughn at nakastay lang sa likod. Kumaway naman si Pauline kay Dale. Tiningnan naman ako ni Pauline at umiling ito ng bahagya.

"Ilalagay ko lang to sa kotse saglit. Baka mangawit ka at hindi ka mag-enjoy kapag dala mo iyan." sabi niya at ibinigay ko naman ito sa kanya.

Pinagmasdan ko ang likod nitong naglalakad palayo at nilingon si Pauline at Vaughn na lumapit sa akin.

"What did I tell you? That man is whipped. Anong ginamit mong gayuma?" pang-aasar ni Vaughn kaya hinampas ko ang braso niya.

"Nagbago na pre-judgement ko sa kanya. A for effort. Akalain mong mamahaling bulaklak binigay sayo. Para saan daw ba?" tanong ni Pauline at nagkibit balikat naman ako.

"Sabi niya gusto niya lang daw akong bigyan." mahinang sambit ko pero may lahi atang aswang to sina Pauline at Vaughn dahil pagkarinig palang ni Vaughn ng sagot ko ay agad itong tumawa ng malakas.

Nakita ko naman na napatingin sa amin ang ibang tao dahil sa alakas ng pagtawa ni Vaughn. Yung iba mukhang kinikilig pa dahil sa ginawa ni Vaughn. Nako mga ate, wala kayong mapapala sa ugok na ito.

"Goodluck na lang sa kanya." sabi niya habang natatawa parin. Liningon ko naman kung saan nagpunta si Dale at nakitang pabalik na ito.

"Sorry kanina pa ata kayo naghihintay sa akin." paumanhin niya pagdating niya sa kumpol namin.

Desired (Montenegro Series #3)Where stories live. Discover now