20

1.3K 19 0
                                    

"I want you all to take this test seriously. Half of your general weighted average will come from this subject at alam kong alam niyo yan. If there is an emergency for you that time, please contact me immediately. Class is done, you may all go now." saad ni Miss Salazar.

"Ms. Soriano, may I speak with you please?" tawag sa akin ni Miss Salazar. Agad ko namang niligpit ang gamit ko at nagpaalam kay Pauline.

"Hihintayin nalang kita sa baba." sabi niya at tumango naman ako bago lumapit kay Miss Salazar. Kinakabahan naman ako habang palapit sa kanya. Iniisip ko kung may bagsak ba ako sa subject niya o may kasalanan akong nagawa. Isa si Miss Salazar sa tinitingala bilang guro dito sa university. Kabatch din niya ang parents namin ni Kuya kaya hindi ko maiwasang hindi mag-isip ng kung ano-ano.

"I've noticed that you have been attending my classes late. Pati ang ibang mga klase mo base sa mga prof mo. Ayos ka lang ba, iha?" tanong niya sa akin at mas lalo akong kinabahan. Akala ko hindi nahahalata ng mga prof ko ang pagiging late ko.

Nito kasing mga nakaraang araw ay nanghingi ng pabor sa akin si Dale kung pwede ko daw siya tulungan sa isang project niya. Inabot din kami ng 3 linggo kagagawa ng project niya dahil ngayon ko lang nalaman na masyado siyang metikuloso pagdating sa mga output niya. Kailangan mabusisi mong gagawin lahat ng ipapagawa niya sayo.

"Opo, Miss. Naging busy lang po nitong nakaraang araw." nakayukong saad ko.

"I don't want you slacking, Miss Soriano. Isa ka sa mga magagaling kong student kasama ang Kuya mo. Saludo ako sa pagpapalaki sa inyo ng magulang mo kaya kung ano man ang bumabagabag sayo ay sana hindi ito makaapekto sa pag-aaral mo." tumango naman ako sa sinabi niya.

"Thank you, Miss. Hindi na po mauulit naging busy lang po talaga niong nakaraang araw." paumanhin kong muli at tumango naman siya.

"Kapag may problema ka nandito lang ang mga teacher mo at handa kang pakinggan. You may go now, Miss Soriano." ngumiti naman ako at nagpaalam na sa kanya bago lumabas ng classroom. Nang makalayo ng kaunti ay napasandal ako sa wall at napabuntong hininga bago bumaba ng building kung saan naghihintay sa akin si Pauline.

"Mukha kang binagsakan ng langit at lupa. Anong nangyari?" tanong niya at kumapit naman ako sa mga braso niya.

Hindi mawala sa isip ko na naapektuhan na ng ginagawa ko ang pag-aaral ko. Iniisip ko tuloy kung ganito ba ako dati. Alam kong wala namang kasalanan si Dale sa ginagawa ko. Pinili ko ito at pwede naman ako tumanggi pero hindi ko ginawa kasi alam kong nahihirapan siya at kailangan niya ng tulong. Alam ko rin na kapag ako ang nanghingi ng pabor sa kanya ay gagawin niya rin ito para sa akin.

"Hoy." napatingin naman ako kay Pauline at nakakunot noo naman niya akong tiningnan kaya napabuntong hininga ako.

"Sasabihin ko mamaya. Maghanap muna tayo ng makakainan." mahinang sambit ko at tumango naman siya. Naglakad na kami palayo sa building at naghanap na ng makakainan.

.

"Sinasabi ko talaga sayo, Elysse. Hindi ko naman sinasabing lumayo ka kay Dale o kaya patigilin mo na siyang manligaw sayo pero choose yourself for this week muna. Hindi naman siguro siya magagalit kapag ganon, diba?" sabi ni Pauline sa akin habang sinisimot ang pagkain niya.

"I just want to make my relationship work this time, Pauline. Masisisi mo ba ako? Hindi ko naman akalain na ganon na pala kalala eh." saad ko at uminom sa iced tea na inorder ko.

"Alam ko naman iyon. Alam mo malaki ka na alam kong alam mo kung anong mangyayari at dapat gawin. Nandito lang ako para suportahan ka at suntukin si Dale kapag sinaktan ka niya." sabi niya sa akin na ikinatuwa ko naman.

Desired (Montenegro Series #3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang