27

1.2K 30 1
                                    

"Mabuhay! Flight 23Xf31 will be landing Ninoy Aquino International Airport..."

Naimulat ko ang aking mga mata ng marinig ko ang announcement na iyon ng captain ng eroplanng sinasakyan namin nina Daddy at Kuya. I look at my side and saw Kuya looking at me with a smile plastered in his face as if telling me that all will be okay.

Binuksan ko ang humaharang sa bintana at tila nanibago naman ako sa nakita. The buildings of Manila seems surreal and foreign to me dahil sa pamamalagi ko ng 2 years sa States. I hope I can easily adjust to the environment and to everything that will happen in my life while I am staying here.

Before kami tumulak papuntang Manila ay kumain ng tatlong araw ang naging paghahanda ko. Naging mabilis ang mga araw na ito dahil hindi ako napirmi sa bahay dahil sa dami ng dapat kong asikasuhin para sa panibagong daan na tatahakin ko.

Ang unang araw ay inilaan ko para asikasuhin ang gagawin kong paglipat ng kompanya sa Pilipinas. Sinabi ko kay Mr. Legaspi ang naging desisyon ko ng araw na iyon at natuwa naman siya dahil tinanggap ko ang minsanang oportunidad na ito. Sinabi niya sa akin na ang Manila based office nila ay kaparehong kapareho lang ng US based office na pinapapasukan ko. Hindi daw ako mahihirapang mag-adjust dahil ihinabilin niya na kami ng kasama kong si Jake.

Ang sumunod na araw ay ginugol ko upang asikasuhin ko ang dapat kong gawin sa uni na pinapasukan ko. Kailan ko kasing magpasa ng ilang papeles at magfill-up ng mga form upang maappove ang gagawin kong pagpapatuloy ng internship sa Pilipinas.

Hindi naman ito naging mahirap dahil partner company ng college namin ang opisina ni Mr. Legaspi na pinaasikaso niya sa sekretarya niya ng pumayag ako. Sasamahan dapat ako ni Ziel kaso naging busy siya dahil nalalapit na rin ang finals nila.

Sa pangatlong araw naman ay ginamit ko ito para makapagimpake at ispend ang oras ko kasama si Mommy at sina Tita. Binilinan ako ni Mommy na mag-ingat doon at si Tita naman ay binigyan ako ng sapatos dahil swerte daw ito kapag aalis ang isang tao. Hindi ako naniniwala sa mga pamahiin pero tinanggap ko pa rin ang regalo niya. Maiiwan si Mommy sa States pero agad din siyang sasamahan ni Daddy doon kapag natapos na niya na ang huling case na meron siya. I guess, he will stay there to relax and let Kuya handle the law firm.

I also spend my time with Ziel na dinala ako sa isang sikat na restaurant dito sa States. Kasama namin ang girlfriend niyang si Scalar dahil gusto daw nilang magpadespidida sa akin.

Sa loob ng tatlong araw ay iniiwasan kong maging emosyonal o mag-isip ng kung ano-ano. Pupunta akong Pilipinas upang tanggapin ang opportunty na ito at maging credit ito sa pag-graduate ko sa May na makakatulong sa akin upang magkaroon ng maraming projects. Whatever happens I need to focus on achieving my goals. Only my goals.

"Manong is already at the gate. Are you going to come wih us, Jake?" saad ni Daddy sa amin ni Kuya at tanong naman niya kay Jake.

Kasama namin ito lumipad dahil mahuhuli siya if he booked a later date na alam kong ayaw niyang mangyari.

"Hindi na po. My fiance is already at the airport. Thank you po, Sir." sagot naman niya kay Daddy.

Jake is a nice guy and a very hardworking person. Madalas siyang pagkatiwalaan ni Mr.Legaspi sa mga ganito at sa pagtraining ng mga interns. Naging isa siya sa naging kaibigan ko sa States dahil madalas niyang punahin ang mga designs ko, in a coonstructive way.

Sa pagkakaalam ko ay kaya siya ang kasama ko kasi he will stay in the Philippines for good dahil sa fiance niya na naiwan niya dito for almost 2 years already. Balak narin nila kasing magsimula ng pamilya kaya ito na ang start niya para matupad ang mga planong iyon.

.

Sinalubong ako ng maingay at mataong lugar na airport. Tila nanibago naman ako sa nakikita kahit alam kong dapat ay hindi dahil dito naman ako lumaki. Bad decisions and memories does really change you both physically and mentally. Nakaramdam ako ng kalabit sa balikat ko kaya agad ko naman itong liningon.

Desired (Montenegro Series #3)Where stories live. Discover now