22

1.1K 26 1
                                    

Trigger Warning:

The following contents contains depression, suicidal thoughts and attempted self-harming acts that may trigger, traumatize or harm to some readers. Please read at your own risk and feel free to skip this chapter if you are not comfortable reading this kind of things. Do not hesitate to message me if you need someone to talk to. Thank you very much. xx

———

Pagod.

Iyan lang ang nararamdaman ko sa buong week na nakalipas na nasa bahay ako. The continuous feeling of tiredness is what keeping me sane these past few days. I guess, ginagamit ko rin ito bilang indication na buhay ako at nandito parin ako sa mundo humihinga. That's depressing but it is what it is.

One week had passed ever since nung cheating incident ko at ang board of committee ay patuloy parin sa pag-iimbestiga at pagdebate whether to accept me back or expelled me. But I know that they will choose the latter dahil maraming mga tao at students ang magpoprotesta pero hindi parin nawawalan ng pag-asa si Mama. I want to tell them that it is okay and they don't ned to fight anymore dahil alam ko naman na kung ano ang mangyayari but I guess, the right thing to do in this situation is to stay silent and somehow, have hope.

During the past few days ay nagsimula ng umingay ang tungkol sa insidente, Dad wants me to deactivate all my social media and refrain mysef from viewing the news. He also told Kuya na mag-deactivate na at huwag sumagot sa kahit sinong magtatanong tungkol sa isyu sa kanya. Especially ng nangyari matapos kong makabasa ng news articles and comments about sa akin one time.

.

Dahan dahan akong tumayo sa kinahihigaan ko dahil narinig kong tinawag na ako ni Kuya para kumain ng almusal. It's almost two days since the incident at dalawang araw na rin akong umiiyak. It's been two days na wala akong kain at ngayon lang ako napilit ni Kuya. They have been forcing me to eat pero kapag sinusubukan ko naman ay hinddi ko maatim na kainin ito dahil sinusuka ko lang lahat kaya I opted to not eat.

Dale hasn't texted or called me ever since the incident na isa sa dahilan pa ng pag-iyak ko.  I don't know what is happening to him o sadyang ayaw niya na talaga ako kausapin dahil baka madawit sila sa gulong pinasok ko pero ang gusto ko lang naman ay malaman kung okay siya at kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko ngunit wala akong nahita kahit isa mula sa kanya.

Does he truly love me or it was all a lie? Ako lang ba talaga ang naniwalang mahal niya ako? Naging bulag ba ako sa mga senyales? Masaydo ba akong naging kampante na hindi siya katulad ng ibang lalakeng kilala ko? All of that question are running in my mind but it is still unanswered.

Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang may mensahe si Pauline para sa akin. Kaya habang bumababa ng hagdan ay binuksan ko ito at nakitang isang link ito. Agad kong binuksan ito at halos manlumo sa headline nito.

Anak ng isang kilalang lawyer, nahuling nandaya
Published 8:45 PM by Anonymous

Hindi ko napansin na pababa rin pala si Kuya ahil lnapako ako sa kinatatayuan ko. Nabanggit sa article ang pangalan nila Mama at Papa, pati na rin si Kuya at kung paano humihingi ng fairness ang mga students. Sinabi rin sa article ang hindi makatotohanang dahilan kung bakit ko ginawa ito.

Sabi ng isang nakakilala sa dalaga, matagal na daw itong modus ng dalaga at ngayon lang nahuli. Kung mahuhuli man ay agad maglalaho ang issue dahil babayaran ng pamilya nito ang unibersidad.

Ang balitang ito ay nakakabahala at dapat bigyan ng pansin dahil kapag ito ay magpatuloy ay magiging madilim at hindi mabisa ang education system dito sa ating bansa. Ang mga katulad ni Elysse Soriano ay dapat patalsikin at dapat niyang pagsisihan ang ginawa niya.

Desired (Montenegro Series #3)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें