21

1.1K 24 1
                                    

I always wonder how regret feels.

Sa buong buhay ko, I always make sure that all of my decisions are right, worth it and not a subject for mistakes. If ever I am in a situation, I always opt for choosing the choice that most people would say 'playing safe'. I am afraid that one wrong move can ruin my life and I would regret choosing that path for all my life.

But it doesn't mean that hindi sumasagi sa isipan kong magtanong kung magiging ano ako kung pinili ko ang isang desisyon na ikasisisi ko bandang huli. Pero nung nangyari na, sana ay hindi ko nalang inisip o ginawa. Kung virus ang pagsisisi, nakakamatay ito. Now, I understand why a lot of people are afraid on making a bad decision. Regrets will eat you slowly as long as you are alive.

"Ms. Soriano." agad akong nanlamig ng marinig ko ang pagtawag ng proctor sa akin. A sudden realization hit me and I realized the situation I am in. Hindi ko alam ang gagawin ko kung lilingon ba ako o hindi na haharap sa kanya dhil nahuli na ako sa ginagawa ko. I started to feel the eyes of my classmates on me that makes the whole situation worse.

Agad pumasok sa isip ko si Papa. He would be furious if malaman niya ang nangyari and I know that it is my fault dahil nagpadala ako sa tukso. I did this to myself and I know that I am paying the prize for it. Tila nabingi naman ako sa mga susunod na paangyayari dahil ang tanging narinig ko nalang ay ang tunog ng sapatos ng proctor na alam kong papalapit sa akin. Nagsimula ng mag-unahan ang mga luha ko dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

"Ms. Soriano, I want you to step out of the classroom and go to my office. I expect you to be there when I get there." sabi ng proctor pero hindi ko magawang kumilos at nanlalabo na rin ang paningin ko sa mga luhang patuloy na tumutulo. "I don't want to repeat myself,  Ms. Soriano. Please step out of the classroom and go to my office."

Dali-dali ko namang kinuha ang bag ko at tumakbo palabas ng classroom. Agad kong tinunton ang opisina ng proctor at nanghihinang umupo sa guest chair ng office. Tinakpan ko ang mukha ko at patuloy na humikbi habang iniisip ang kung anong mangyayari kapag kinausap ako ng proctor. I knew that this incident will spread at sa pagkakataong 'to gusto ko nalang mawala ng parang bula.

.

Pagdating ng proctor sa opisina niya ay napansin ko na kasunod niya si Pauline at si Kuya. Tiningnan ako saglit ni Kuya bago umupo sa opposite na upuan ko. Pauline immediately went to me and I can't help but to cry more in her embrace. Narinig ko ang buntong hininga niya at patuloy akong pinapakalma.

"Silas, siguro naman ay may hint ka na kung bakit kita pinnatawag at kung bakitt narito ang kapatid mo. I caught your sister cheating sa exam na alam niyong parehas na importante nngayong semester." paunang salita ng proctor. Tahimik akong humihikbi upang mapakinggan kung ano man ang pag-uusapan nila ni Kuya.

"I'm sorry, sir. Alam kong mali ang kapatid ko pero she's beenn dealing something emotional lately. Sana po ay magawan ng paraan at hindi na ito umabot pa sa parents namin." rason ni Kuya. Gusto kong yakapin si Kuya dahil kahit na alam niyang nasa mali ako aynakuha niya paring makipag-usap para hindi pa lumaki ang issue.

"I respect both of your parents and I know how bright the two of you are, Silas. But you know that we can't tolerate this act. You once asked me na paano natin mababago ang takbo ng bansa natin kung hindi ito magsisimula sa paaralan kung saan maraming estudyante ang kailangan ng fair at equal na pakikitungo at pagtuturo. What your sister did is wrong, in any reason you may think of." rason naman ng proctor kay Kuya pabalik. Nakita ko ang pagyuko at pagbuntong hininga ni Kuya na alam kong kahit anong gawin niya ay hindi na niya ito magagawan ng solusyon.

"What will happen now?" mahinahong tanong ni Kuya at isang nakakabinging katahimikan muna ang bumalot sa buong opisina.

"I already raise the concern to the school authorities. Right now, I know that your parents will be notified for this. The board will look into it with your parents. Ang desisyon ay manggagaling na sa kung ano ang napag-usapan ng magulagn niyo at ng board. Whatever happens I hope that this will be a lesson for you, Elysse." saad ng proctor at inalalayan naman ako ni Pauline patayo at palabas ng opisina.

Desired (Montenegro Series #3)Where stories live. Discover now