13

1.2K 31 2
                                    

Sinuklian ko ang ngiti niya at nagtatakang lumapit sa kanya. Ang alam ko ay may pasok ito o baka wala silang prof kaya nandito. Mamaya pa kasi ang pasok ko. Sumabay lang ako kay Kuya dahil ayoko namang abalahin pa ang driver namin para sunduin ako. Pagkalapit ko sa kanya ay agad akong umupo sa tabi niya.

"Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang pasok o nag-cucutting ka?" bungad na tanong ko.

"Hello, good morning. Ayos lang naman ako. Salamat." sagot niya kaya nakatikim siya sa akin ng hampas. Hindi naman niya napigilan ang pagtawa niya kaya nahawa na rin ako dito.

"Sagutin mo na kasi." pilit ko.

"Hindi ka naman nanliligaw. Bakit kita sasagutin?" saad niya at kinunutan ko naman siya ng noo.

"Alam mo ang tino mo kausap. Aalis na ako. Pumasok ka na." akmang tatayo na sana ako matapos ang linyang iyon kasi pinigilan niya ako kaya napaupo akong muli sa tabi niya.

"Joke lang. Ang panget naman ng mood mo ngayong umaga." puna niya at hindi ko na lang iyon kinomentan pa.

Medyo naging malungkot kasi ako sa paraan ng pag-acknowledge ni Daddy sa grades ko. Its like he wasn't even happy about it kahit na puro uno iyon. He was always like that naman kaya ikinakataka ko kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ako sanay. Kahit kailan hindi ko nakita ang saya sa mukha ni Daddy sa mga naachieve ko.

"Huy." tiningnan ko naman siya at nginitian ko naman siya.

"Bakit ka ba kasi nandito? Crush mo na ata ako eh." pang-aasar ko at hindi naman niya ako inimik. Nakatingin lang siya sa akin at tinitingnan kung ano ang ekspresyon ko.

"May problema ka ba?" tanong niya at tinaasan ko naman siya kilay bago umiling.

"Wala. Masama lang gising ko kanina. Sagutin mo na yung tanong ko." sambit ko at tumango siya.

"Wala kaming prof sa frist sub. Wala rin akong maisip na pagtatambayan kaya naisipan ko dito. Naalala ko kasi na mamaya pa ang pasok mo." paliwanag niya at napangiti naman ako.

"Crush mo na nga ako. Alam mo na sched ko eh." sabi ko at umiling naman siya.

"Ewan ko sayo. Bawal bang puntahan ka dito?" balik niya at iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya.

"You know that if you have a problem, you can tell it to me." mahinang sambit niya kaya nilingon ko siya at nginitian ito.

"I'm fine, Dale. I just want to forget it this time. Atsaka you probably had an idea na naman." saad ko at tumango naman siya.

"Don't pressure yourself too much." payo niya at tumango naman ako.

"Sige na, papasok na ako. Pumasok ka na rin." paalam ko sa kanya habang tumatayo at tumayo rin siya sa kinauupuan niya. Nakita ko na kasi si Paulin na dumating lagi kasing 30 minutes before ng pasukan ay dumadating na yun.

"See you later." paalam niya at naramdaman ko na naman ang kakaibang kilig sa tuwing kasama ko siya.

"See you." sagot ko at kumaway sa kanya. Tumakbo ako papunta kay Pauline na may ngisi sa mga labi niya.

"Ang aga niyo namang naglalandian. Respeto naman sa mga single." pang-aasar niya at umiling lang ako sa sinabi niya. Liningon kong muli si Dale at nakitang hindi pa ito umaalis. Kumaway itong muli sa akin kaya kinawayan ko ito pabalik.

I don't know what happen to him but something change about the way he treats me that day.

.

Lumipas ang ilang buwan ng hindi ko man lang namamalayan. Nitong nakaraang buwan kasi ay nagfocus ako sa pag-aaral. Nakatanggap naman ako ng magandang feedback galing kay Daddy at masaya na ako dun. He told me to maintain and if possible do better.

Desired (Montenegro Series #3)Onde histórias criam vida. Descubra agora