05

1.6K 39 0
                                    

"If you're too worried, Silas. Bakit hindi sa Xylo nalang tayo?" nagulat ako ng marinig ko ang boses niya. Nabaling ang atensyon namin sa kanya dahil sa sinabi niya. Bakit ba bigla biglang nagsasalita 'to?

Hindi kaya nag-aalala siya sa akin? Hindi. Tanga ka, Elysse. Bakit mo naisip yun? Wala ngang pakialam sa iyo yan. For all I know, para sa kanya ay isa akong makulit na kapatid ng kaibigan niya na may crush sa kanya. Kung ako siya ay matagal ko ng pinagtabuyan ang sarili ko but then, I'm his friend's sister.

Baka nasabi niya lang iyon para hindi na mag-isip ng lugar na pupuntahan sila. I heard them talking about it earlier before I entered the kitchen.

"Huh?" utal ko matapos ang nakakabinging katahimikan. Parang hindi kasi silang makapaniwala lahat na nag-susuggest si Dale. Sobrang seryoso niya kasing tao.

"Naghahanap tayo ng matatambayan diba? I'm sure sa bar ang punta natin. Nag-aalala ka sa kapatid mo edi sumama ka sa kanya." dagdag niya at iniwas ang tingin sa Kuya ko. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagtango ni Kuya sa suhestiyon niya.

"May point." komento ni Kian at ibinaling ko ang atensyon sa kanya.

"Susunduin ka ba dito ni Vaughn?" tanong ni Kuya sa akin. I slowly nodded and he nodded before biting on his bread.

"Tell him na kasama mo ko. 'Wag ka na kamo niya sunduin." utos niya at tumango nalang ako.

Wala naman na akong magagawa kahit na gusto kong wala si Kuya sa pupuntahan ko ay hindi nalang ako nagreklamo. Mas okay na 'yun kaysa hindi niya ako payagang sumama.

Tiningnan ko naman si Dale ng masama. Bakit ba kasi niya sinuggest yun? Okay na sana eh. Ang killjoy niya. Nagulat ako ng tingnan niya ako pabalik at napaiwas naman ako kaagad matapos ang ilang segundong titigan namin. Hindi ko talaga matagalan kahit kailan ang paninitig niya. Masyado kasi itong intense at parang kinekwestiyon nito ang buong pagkatao mo.

"Thank you for the food." sabi ko sa kambal ni Kian at ngumiti naman ito sa akin. "Aakyat na ako, Kuya. I'll get ready." tumango naman siya kaya tumayo na ako at umalis sa kusina namin. Bago pa ako makalayo ay nilingon ko muna ulit si Dale pero nakita kong hindi naman ito nakatingin sa akin.

Nagmadali akong umakyat sa kwarto ko at dinial ang numero ni Pauline. Hindi ko alam kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Muntikan na akong mabuko kanina dahil sa walang hiyang Kian na yun.

"Oh?" sagot niya sa tawag ko. Naupo ako sa kama ko at bumuntong hininga.

"Pinayagan ako. Ikaw ba?" tanong ko.

"Oo pero kailangan kong umuwi ng maaga. So I'll probably stay there until 11 and convince Vaughn to take me home. G ka ba dun?" tanong niya.

"About that. Kuya is coming with me." mahinang sabi ko at natawa naman siya sa kabilang linya. "Kasama niya sina Dale."

"Bantay sarado ka pala. Bakit ka malungkot? Kasama mo naman ang crush mo." puna niya sa pagiging low energy ko.

"Siya ang nag-suggest kay Kuya na doon sila pumunta. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak niya at ganon ang sinabi niya. Dapat magpapakasaya ako ng walang inaalala na bantay pero hayst." reklamo ko at narinig ko lang ang mahina niyang tawa.

"Well, it's better than not come at all. Magpaganda ka na lang para maakit mo." sambit niya at napangiti naman ako sa suhestiyon niya. Ang talino talaga ng kaibigan kong 'to.

"Bakit ko ba sinabi 'yun? Huwag mong gagawin yun, Elysse. Magmumukha kang desperada." panic na sambit niya at natawa naman ako.

"Thank you for suggesting that to me. I love you, Pauline. Super." sabi ko at nagreklamo pa siya pero hindi ko na siya pinakinggan dahil pinatay ko na ang tawag. Baka kumbinsihin niya pa ako at magbago pa ang isip ko.

Desired (Montenegro Series #3)Kde žijí příběhy. Začni objevovat