09

1.3K 35 3
                                    

"You should come with us." rinig kong ani niya. Tiningnan ko naman kung seryoso siya sa sinasabi niya pero agad niyang iniwas ang tingin niya sa akin. Napatungo naman ako at hindi kaagad sinagot ang sinabi niya. 

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi niya masyado pa kasi akong naapektuhan sa nakita ko kanina. Alam ko naman na hindi ko dapat maramdaman ang ganon dahil wala namang kami. Wala namang namamagitan sa aming dalawa. Hindi naman kami close at mas lalong hindi naman niya ako gusto. Pero tao lang ako na nakakaramdam.

"Ikaw ba sasama ka?" tanong ko matapos ang medyo mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ibinalik niya ang mga mata niya sa akin at diretso akong tiningnan. Naramdaman ko naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko kaya agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. 

"A little rest from the stress we've encountered is healthy." simpleng sagot niya at tumango naman ako. 

"Hindi ko pa alam eh. Ano oras ba daw kayo aalis?" tanong ko at pinagmasdan siyang awkward na nakatayo sa harap ko. Bigla ko na namang naalala kung paano nagbago yung aura niya kanina nung sinundo niya yung babaeng taga-med building. Maybe that person is really special to him.

"Mga 7 ng gabi siguro. You should come. I think you need this." he smiled slightly bago siya pumasok sa kusina. Naiwan akong nakatayo sa kusina na pinapakiramdaman ang sarili ko.

I don't want to come pero alam kong hindi ko maitatanggi na merong parte sa akin na gusto kong sumama. Ang makasama si Dale sa isang trip ay nakakagaan sa puso pero ayoko namang magmukhang desperada sa harap niya. Sapat na iyong alam niya na crush ko siya. Ayoko ng malaman niya pa yung palalim na palalim na nararamdaman ko para sa kanya.

.

I did come with them. I convinced myself to brushed off what I saw earlier and not make it a big deal dahil ako lang naman ang naapektuhan dahil doon. If he does have someone already edi okay. Hindi na naman bago sa akin yun. Maraming beses ng nagkagusto o nagkacrush sa taong may karelasyon na pala o may nililigawan na. Pero alam ko namang iba ang pagkagusto ko kay Dale sa mga past crushes ko.

Atsaka sumama rin ako dahil pinilit ako ni Mommy na alam kong inuuto lang ako dahil alam niyang sasama si Dale sa Tagaytay trip namin. Hindi ko naman ikakaila na isa siya sa rason kung bakit napagpasyahan kong sumama ng tuluyan. 

"Take care of your sister, Silas." paalala ni Mommy kay Kuya. I hugged Mom and gave her a peck on her cheeks. Wala ang Daddy ngayon dahil may meeting pa daw ito sa isang kliyente at medyo matatagalan dahil sa bigat ng kaso na meron ito. 

"I always do, Mom." sagot ni Kuya at siya naman ang nagbigay ng yakap at halik kay Mommy. Mom glances at my way and smiled at me. Nakita ko ang ginawa niyang pagtingin kay Dale.

"Take care of Ely-- I mean the girls, boys ah." nilakihan ko siya ng mata sa ginawa niya. Simula kasi ng malaman niya na may crush ako ay lagi niya itong bukambibig.

Narinig ko naman ang mahina niyang tawa at napatingin ako kay Dale na pagtingin ko ay nakatingin sa akin. Iniwas ko naman agad ang tingin ko dahil hindi ko nga matagalan ang mga titig niyang animo'y lagi akong binabasa.

Dito kasi sa bahay ang napagpasyahan nilang meeting place. Umuwi sila kanina bago makarating dito si Mommy at bumalik dito para sabay sabay kami sa pagpunta doon.

Susunduin namin si Ate Nathalie sa bahay nila dahil madadaanan naman namin ang condo niya kaya hindi namin siya kasama ngayon. Hindi parin sinasabi ni Kuya na may nililigawan na siya sa mga magulang namin. I don't know why pero hindi ko nalang ito pinakialaman dahil labas na naman ako dito.

Ang mga kasama namin ay sina Kuya Otis kasama yung girlfriend niya, si Kuya Kiel na sasabay sa amin nila Ate Nathalie at tatlo sa mga Montenegro - Kuya Gio, Isla and of course, Dale.
Nagulat ako na kasama si Isla pero I'm not complaining na din atleast may kasama akong kasing edad ko.

Desired (Montenegro Series #3)Where stories live. Discover now