24

1.2K 29 0
                                    

Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin paglabas ko ng apartment hudyat na malapit na ang winter season dito sa States. Bagay na akala ko ay hindi ko makakaya ngunit kalaunan ay nakasanayan ko na rin. Inayos ko ang pagkakasuot ko ng jacket at scarf upang hindi ako masyadong ginawin. Ang mga puno ay unti unting nalalagas na sa tingin ko ay nagpaganda lalo sa parating na klima at sa klima ngayong buwan. Isa rin 'to sa dahilan kung bakit ko nagustuhan ang lugar nito ng tumagal na kahit ang dahilan ng pagpunta ko dito ay para pansamantalang takasan ang naging problema ko.

Napangiti ako ng makita ang isang pamilyar na mukha kaya agad ko itong nilapitan. Malaki ang nagbago dito at mas naging firm ang pangangatawan. Bumagay ang medyo buzz cut nitong buhok na never kong inimagine na makikita kong gagawin niya. Medyo naging tan din ang kulay nito na agaw pansin sa mga tao dito.

Nginitian ako pabalik nito at itinaas ang kamay upang batiin ako. Binaba niya lamang ito ng makalapit na ako sa kanya at binalot kami ng saglit nakatahimikan bago ko napagpasiyahan na kausapin siya.

"How'd you find me here?" tanong ko sa kanya at pinagbuksan naman niya ako ng pinto.

"Nagtanong tanong ako." napailing ako sa sinabi niya bago pumasok sa loob ng sasakyan. Agad naman siyang umikot para makapasok at paandarin ang sasakyan.

"Seriously, why are you here?" tanong ko muli at nagulat ako ng may nagtakip ng mata ko.

"Guess who?" saad nito at agad ko itong tinanggal bago lumingon sa likod. Sabay kaming napatlili at kahit mahirap ay nayakap ko si Pauline. Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang pag-iling ni Vaughn sa naging aksiyon ng dalawa niyang kaibigan.

"I miss you so much." bulong ko at naramdaman ko ang paghigpit niya ng yakap sa akin.

It's been 2 years since the incident happens and yung nangyari sa amin.  Sa loob ng dalawang taon ay sobrang laki ng pagbabago na nangyari sa buhay ko. I think being here change me into someone I knew that I could become.

Every holidays akong binibisita dito nila Mommy and somehow the wall between me and Daddy are slowly crumbling. Hindi pa kami masyadong okay but we learned how to coexist. Kuya graduated with Latin honors that same year which I am proud of because I know that he is meant for the path that my parents is making him take.

Hindi ako nakapunta ng graduation niya not because I don't want to but I just think that me going back needs a lot of time. Mahirap kalimutan ang nangyari and the chances na makita niya ako sa graduation ay napakalaki at ayokong maalala ang masakit na alaala na iyon sa ngayon.

Kuya is now on his 2nd year in law school while gaining experience in our law firm. Si Mommy naman ay piniling magresign na at samahan ako dito sa US matapos ang isang taong pamamalagi ko kina Tita. She is now handling a coffee shop a few blocks from our rented apartment.

Tuwing weekend ay tinutulungan ko siya sa pagmamanage ng coffee shop dahil matao sa ganong araw. Daddy still manages our law firm pero dahil hindi na naman bumabata pa si Daddy ay mostly si Kuya na ang namamahala nito.

Meanwhile, I continued studying here but not as a lawyer but I ended up taking a degree in interior designing. I actually enjoyed studying it and I was on my last year. Mahirap sa una dahil sa mga panahong 'yon ay hindi ko alam kung ano ang gusto ko dahil simula pagkabata ang pagiging abogado ay nakalatag na para sa akin. I don't have the time to explore other profession or other skills for myself.

Kaya hindi ko akalain na ang pagbabagong ginawa ko ay magdudulot sa akin kahit papaano ng gaan ng loob dahil ngayon I wasn't studying for what my parents wants but what I think suited me. Moving here also made me connect with my only cousin sa Father side na si Ziel, short for Aziel.

Desired (Montenegro Series #3)Where stories live. Discover now